Friday, 24 February 2012

Dear Notebook,

Long time no see ah! tagal na din nung huli kitang nasulatan heto susulat na naman ako sayo di para magdrama or mag-share nang kalokohan, I'm here para humiling :) Ayan! di ka na lang basta-basta notebook ngayon ah isa ka na ding magic notebook na nagbibigay or nag-ggrant nang wish dahil sa malawak kong imahinasyon. 


Gusto mo malaman ang wish ko? hmm.. kase ano eeh XD hindi naman para sa akin tong wish na to, yeah i know it sounds so korni pero ganito na siguro talaga ko may pagka isip-bata :). May mga bagay lang kasi talaga kong natutunan nang dahil sa kanya at mga bagay na siya lang ang nakapag paintindi sakin at dahil dun kaya ko naisipan na gumawa nang wish para sa kanya :). Gusto ko lang maibalik yung dating ngiti nya nung bata pa sya, gusto kong maramdaman niyang may mga taong kayang intindihin siya :)


Notebook, isa siya ngayon sa dahilan kung bakit at paano din ako nagiging matatag.
Napakadami na nang mga taong mapanghusga ngayon at kung anong dami nila ganoon din ang dami nang nabibiktima nila :|. Kaya minsan di mo maiiwasang itanong sa sarili mo kung kakayanin mo pa bang lumaban?
Lalaban ka pa ba kung kadikit nang mga panghuhusga ang sandamakmak na problema? Andaling sabihin na "Sige!, laban lang kaya mo yan!" pero napagtanto ko na din na hindi lang pala ganun kadali yun lalu pa kung ang drama mo ay ME AGAINST THE WORLD :) 
Nalaman ko din ngayon na ang pagiging matigas ay di pala pagiging bitter nang isang tao na minsan ito na din ang tumutulong sa tao upang mas madami pa siyang matutunan at maintindihan sa bawat pangyayari dito sa mundong ibabaw at sa mga mapanghusgang mata nang mga tao.


Bihira mo na lang talaga ma-encounter ngayon ang mga taong kinakaya ang lahat at halos taas-noo pang humaharap sa mga taong humuhusga sa kanya nang walang batayan, Mga taong sa kabila nang mga karamdaman niya at pinagdadaanan nakakayanan padin tumayo nang may buong reputasyon at paninindigan :) hindi dapat kinakaawaan ang mga taong ganito bagkus pa nga nagiging inspirasyon ko pa sila at na momotivate talga ko nang dahil sa kanila :). At may naalala akong isang tao, tutal naman nabansagan niya na ako na "SUPERMAN something" nya paninindigan ko na yun ! though sa tingin ko di ako qualified sa title na yun hahahaha :) sa tingin ko lang naman ah, dahil na rin siguro di ko siya naiintindhan tulad nang sabi niya :)
Pero tulad na din nang sinabi nya sa akin dati na "Huwag mo akong pinangungunahan!" kaya di ko na nga sya pangungunahan :) i'll go with the flow parang mga ulap sa itaas na patuloy lang ang pagsunod sa alon nang buhay na hinahayaan lang nila na tangayin sila nang hangin kung saan sila gustong tangayin nito :) kaya bilang superman niya kahit di bagay sa katawan ko :) hahaha... i'll be here for her gagawin ko lahat nang magagawa ko to keep her calm at sa kahit papanung paraan mapagaaan ko ang loob nya kumbaga "what a relief!" na din para sa kanya sa kabila nang mga problems nya :) 


Ako ang magiging mighty stick nang buhay nang bebe ko :') at dahil bamboo stick na ko dapat maging matibay ako at flexible para sa kanya para na rin kung sakaling madapa man siya or malaglag, ako na mismo ang mag bebend para sa kanya at sasaluhin siya sabay hatak pataas-patayo :) ang weird kapag inimagine no? hahahaha.. creepy! pero basta un nga, i am there to pick her up whenever she falls saka im here to be a shoulder to cry or lean on matibay naman ako para masandalan eh tapos ill help her to stand with whole reputation and dignity :) Astig! ^_^\m/  mala bida sa isang hero movie ang dating ko :D grabe imaginations ko :) daig ko pa babae eh hahahaha... tapos mala pick-up sticks lang ang drama ko dito ahahahahaha..
So, siguro naman ngayon alam mo na wish ko? :) sa dami ba naman nang nabanggit ko ayy! pero para malinawan ka na din eto! paiikliin ko dre! summary of the epic hero story ! hahaha :) 


Gusto ko lang na makita yung mga ngiti at tawa nya nung bata pa sya :) yung ngiti nang isang batang walang problema at tawa nang isang walang muwang na bata. Siya na palaging masaya na walang ganoon karami at kakumplikadong problema, na palaging ang hinahanap lang ay ang mga laruang nakapagpapasaya sa kanya <not in literal thinking ah> kumbaga things na nakakapagpasaya sa kanya nga saka yung madaming pahinga para sa kanya at higit sa lahat siya na nakahanap na nang mga taong kaya siyang intindihin :) sa tingin ko kasi thats the only way lang para maibalik ko din ung pagtitiwala nya sa sarili nya nang buong buo at sobra pa ;) at para malaman nyang may mga taong handang umalalay sa kanya in times of her needs :) kumbaga vinavalue siya nang parang isang pamilya :") at para narin di sya mahirapang magtiwala sa iba. pero di ko naman pinipilit tong mga to ah, hahaha its just my wish lang tlga :")

Di ako magsasawang kulit-kulitin siya at pasiyahin na kahit sa simpleng bagay na yun lang masasabi kong 201% ko binigay ang lahat :")
Siya ang bilog nang buhay ko at ako ang pahaba nang buhay niya hahahaha korni ko :) :* isolovehermuchmore ♥ walang kulang ngunit may labis pa ! ;) haha

So, panu ba yan? set aside na muna ang ka-dramahan! ENTERTAINMENT ON!  :") hahahaha.. dali click mo ung green button para start na ko para pasiyahin ka hahaha :)) :* ♥ achuchuu

-Inspired-
-Inlove-
#pahabangbaliw;))

No comments:

Post a Comment