Na-realize ko na di mo naman pala talaga kailangang mag-pakaperpekto sa lahat nang aspeto :) Na matutong kung tanggpin kung ano ang meron ako ngayon, hindi natin kailangang magpaka meron kung wala naman talaga diba? Nangyayari lang naman kasi tlga yang pag iisip nang ganto ganyan kase nais natin na maging maganda or kaaya-aya sa mata nang ibang tao at masabing ayos tayo ;)
Mayroon din naman kasing mga tipo nang tao na ipaparamdam sayo na ikaw ang ganito ganyan chuva ek ek :) tapos sa bandang huli they're the one who leaves you behind tapos bgla ka na lang pagsasabihan nang kung anu-ano dba? Come to think of it ! Huwag ka munang mabahala dyan! Isipin mo yung mga bagay-bagay kung baket ba nagkaganoon ang lahat though i think its not the right way to solve that kase mapapaisip ka na naman tapos mababagabag ka tapos maloloka ka, magddrama at kung anu-ano. Tama naman kasi na there's nothing permanent in this world except change pero sa totoo lang kayang gumawa nang tao nang isang permanenteng desisyon eh yun ay kung tutulungan mo din ang sarili mo.
Kaya wag mong kwestyunin yung sarili mo at higit sa lahat huwag mong i-blame ang sarili mo lalu pa kung alam mong wala ka namang gngawang mali deba? sabi nga ni john lloyd sa one more chance eh, "minsan yung mga taong malalapit satin nawawala pero hindi mo naman dapat ikabahala yun dba? kasi may mga taong dumadating naman na MAS WORTHED" di ko alam kung un ung exact word pero ganun ung ipanararating nun :)) so kung gsto mong maging perpekto baket di mo i-try maging DIYOS ! ;) sa totoo naman kase tlga there's nothing perfect in this world except the LORD.. kahet pa sabihin natin na Practice makes Perfect .. BUT ! nobody's perfect, so why practice? ;) deba? de mo kelangang magpaka anu-ano dyan dadating naman kase yung araw na may tatanggap sayo hindi sa kung anong meron ka pero sa kung sino ka at kung anong klase kang tao inside and out ;)
No comments:
Post a Comment