Nakakainis! Yung feeling na ikaw yung naging dahilan nang sobrang pag-susuffer nya ngayon. Pero sa totoo lang wala namang may gustong mangyari to eh sadyang naguguilty lang ako dun sa nagawa kong yun. Napakahirap naman kasi nung consequence na kapalit, di ko nga lubos maisip kung ano na ang nangyayari ngayon sa kanya.
Nagsimula ang lahat sa pangungulit ko talaga tapos walang nagrespond sakin nang bigla na lang may sumagot sakin tapos sa nasabi nyang yun kinabahan agad ako at nagalala sa posibleng mangyari hindi naman kasi ako natatakot kung pagbantaan ako or what pero ang kinasakit ko lang is yung parang pagtrato sakin na isang taong walang-alam at pinag-aralan. Matapos nun, humingi ako nang tulong sa isang kaibgan na kung maaari ano ang ppwedeng gawin sa ganitong sitwasyon at tulad nang napag agam-agaman ko, yun na nga ang manatiling tahimik at maghintay sa mga susunod na araw hayaan n daw munang sya ang maunang mag pm at kung maaari wag magpahalata para di na mahuli nang iba at mas lumala ang sitwasyon. Pero ako, ako na makulit at still hinahabol ng konsensya di mapalagay dahil nga kung susumahin mo lahat-lahat ako talga yung may mali sa move na yun.
Siguro sa ngayon yun na lang talaga ang magagawa ko, WALANG MABABAGO, WALANG MAWAWALA at higit sa lahat isipin ang lahat in a positive way. ayaw nun na malalaman at makikita kang malungkot josh ! kaya kung ako sayo stay positive at MAGHINTAY. Nonsense din kasi talaga kung matutunganga ako at magluluksa or what. Alam ko lumalaban dn yun ngayon at gagawa nang paraan yun at NANINIWALA AKO SA KANYA. Pray na lang din ako at tiwala ndn kay Lord para mas maging effective.
#pahabangbaliw;))
No comments:
Post a Comment