Thursday, 17 May 2012

Totoo Ka Ba?

Appreciating all things, lalung lalo na yung mga pinaglalaanan pa nang effort kahit gaano pa yun kalaki or kaliit. Isa yan sa mga natutunan ko sa nanay ko, sabi kasi niya na kapag marunong kang mag appreciate nang isang bagay doon mo makikita kung ano ang tunay na kahalagahan sayo nang isang bagay o tao man.


Marami kasi ngayon sa tao na ultimo thankyou lang pinipeke pa. pinipeke in a way na oo they're saying thankyou pero alam mo yung thankyou na may halong pabulong pa na kung anu-ano. Yung word na THANKYOU din kasi it's the easiest way to say that you appreciate something. Pero ang tanong paano nga ba natin masasabi kung yung thankyou na yun eh totoo o hindi?


Actually hindi naman talaga literally masasabi kung paano malalaman na nagsasabi nang totoong thankyou ang isang tao or malalaman na he/she really appreciate things. Masasabi? hindi! pero mararamdaman? Oo! :). Sadyang may mga bagay lang na minsan words can't express it yung mga bagay na tipong nararamdaman mo sya at hindi sapat ang mga titik sa alpabeto para ipahayag mo ang totoo.


Kapag natuto tayong magpasalamat sa lahat nang bagay nang taos puso sa atin, at i appreciate ang mga bagay bagay na sa ating ay naibigay, huwell! isa na yan sa mga characteristics nang pagiging totoo hindi lang sa sarili ganun din sa ibang tao. ;)




#pahabangbaliw;))
ThankfulAkoSaKanya ♥
M.E.L.R :'>

No comments:

Post a Comment