Sunday, 1 July 2012

Kunwari ayos lang lahat

Every night nagkakaroon ako nang mga kasagutan, kasagutan na hindi ko alam kung para saan. Tapos mararamdaman mo yung feeling na parang nagsasagot ka nang multiple choice pero wala dun ung tamang sagot sa pagpipilian mo, daig mo pa yung bulag at ibang may kapansanan na hindi alam ung gagawin. 


Ako yung tipo nang tao na hindi agad sumusuko sa isang bagay, ako yung tipo na paulit ulit mang madapa or magkamali tumatayo pa din at humahanap ng tamang kasagutan sa bawat mali kong kasagutan sa isang tanong. Siguro may mga taong kilala ako bilang isang masiyahing tao, kwela, bibbo, makulit, mapangasar, pero iilan lang sa kanila yung totoong nakakakilala kung sino at ano akong klase nang tao. at masasabi kong isa sila sa mga totoo at tunay kong kaibigan.


Hindi ko maiwasang tanungin sa sarili ko, kung ano ba talaga ung tama at yung mali, kung kailan sasabihing tama na, sobra na at sige pa kulang pa,  at kung kailan nagiging patas ang isang bagay. Andaming katanungan sa isip ko mga katanungan na pilit kong hinahanapan nang kasagutan at lahat nang yun sinisimulan ko mula sa pinakasimula. Oo sa pinakasimula mapamaliit na bagay man at syempre magsisimula un sa sarili ko, hanapin ang sarili kumbaga. 


Sa mga oras na dapang-dapa na ko at di na makabangon, may mga bagay pa dn talagang pumapasok bigla sa isip ko at parang un ung mga nagiging energy boosters ko para tumayo muli at lumaban hindi lang para sa kanila kundi para sa sarili ko. Ayoko nang maging mahina, ayoko nang maging emosyonal minsan nga naisipan ko nang mging isang literal na robot eh at least sila di nakakaramdam walang sakit, pero naiisip ko sa lahat nang sakit at hirap na nararanasan nang isang tao un pa ung nagiging weapon nila para mas pagigihan at manindigan para sa sarili nila di tulad nang robot na sumusunod lang kung ano ang nakaprogram sa kanila. walang feelings. di ko mararamdaman ung feeling na sumasakit ung tiyan sa kakatawa nang sobra at kahit ung maiyak nang sobra at humikbi nang bonggang bongga. with matching tulo nang sipon. ;)

HAAAAAAAAY. Ang hirap magtago nang totoong nararamdaman. Yung kunwari wala na lahat! :'(

#pahabangbaliw;)) 08

No comments:

Post a Comment