Yung feeling na kunwari okay lang ang lahat.
Ngumiti sa kada araw na lilipas hindi lahat nang nakikita mong nakangiti at tumatawa ay talagang masya at kwela ang buhay actually ironic nga ang dating eh kasi kung sino pa yung mga taong nahihirapan at mas dehado sa buhay sila ung mga nalabas na comedian :)
Pero bago ang lahat, kasisimula lang din nang pagpasok ko ulit ng college aun doing good naman kaso ngaung gabi habang nagawa nang assignment medyo napansin kong may problema ata kanang kamay ko kasi nanginginig nang wala sa oras na parang ngawit kahit n wala pa kong gingawa :\
At going back nga sa topic natin,
Lahat naman tayo may kanya-kanyang problema, lahat may kanya-kanya ding sakit nang ulo na dapat nating lutasin at lunasan din at di tinatakbuhan. Siguro one way of being strong lang din ung laughter sa gitna nang problema, sabi nga nila Laughter is the best medicine pero pag nasobrahan maaaring mental ang diretso! :) HAHAHA. Bakit nga ba napunta na naman sa ganitong topic? Ano ang nasa isip ko at naisulat ko tong ganitong uri nang lathalain? Siguro sabihin na lang natin na nasa isa akong problema, problemang kailangang mamili kung para sa mga mahal ko sa buhay o para sa akin. ayoko lang din kasing nakikitang nahihirapan sila nang dahil lang din sa akin :| mas nanaisin ko nang ako wag lang sila :| ewaaaaaaaaaan ko ba.
Sadyang may mga bagay lang din na kailangang maging praktikal sa lahat nang bagay at oras. Actually halos praktikal na nga ako eh :) wala na nga akong pakialam kung magkano ibibigay saken na pera bastat may pamasahe at hanggat maaari makakaipon sa malinis at sariling paraan. Ang hirap lang din kasi wala akong mabahagian nito kaya ko nailahad na lang dito sa blog. Mababasa man nang iba at least di naman ako kilala :) pamapabawas hirap lang din sa loob at para di masira ung motivation ko at ung goal ko na kailangang abutin.
HAAAAAAAY :(
sulat lang kay notebook or drawing kapag walang gngawa kahit saan :|
#pahabangbaliw;)) 08
No comments:
Post a Comment