Tuesday, 24 July 2012

BLOG ulit

Oooooh BLOG nagtuos na naman tayo !
sensya na at ngayon na lang nakapagpost gawa nang prelims nung nakaraan kailangan makapag review eh :)
at ayun nga ayos naman ang kinalabasan :P eeheheheheheh THANK GOD !


Super saya ko din kasi nakachikkahan ko siya nung nakaraang nakaraang araw :) kaso she's stressed at di alam ang gagawin nakakainis nga at wala naman ako maitulong pero sinubukan ko naman sya imotivate kahit papano kaso mkhang di nakatulong haaaaaaay :(
I really hope na maging ok ok na sya at alam ko na malalampasan nya yan sya pa kaya nya yun no ;)
haaaay nakakaaning lang din ung tanong nya nung nakaraan  haaay nagulat ako grabehan lang eh XD aun sige dto muna at may tinatapos at sinusubukan akong program :p


#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 17 July 2012

AKALA KO

Akala ko kaya ko
Isa siguro sa pinakamahirap na gngawa ko ngayon etong pagtatago nang totoong ako. Oo lahat nang ako! lahat nang nararamdaman ko lalo na yung mga sakit at hirap na minsan di ko na lang namamalayan na napapaluha na ko with matching panginginig pa sa sobrang sakit at nakakapanghina.

Di ko alam, useless na din ata talaga eh. Sinusubukan ko naman magpakatigas eh, oo ayan oh aaminin ko na na kaya mas gsto ko mapagisa kasi ayoko na nakkta ako nang iba, i mean ung totoong ako at ung totoong nararamdaman ko. makikitawa ako hanggat kaya ko pero sa loob-loob ko hirap din naman ako. siguro nga ako lang din nagpapahirap sa sarili ko. sabi nila lilipas din daw to at mawawala umasa ako na ganun na nga lang yun kahit hanggang ngayon asang-asa ako na mangyayari nga yun pero hanggang ngayon wala pa din talagang nababago or nakakalimutan sa kada araw na lilipas mas lalu lang ako nababaon sa nraramdaman kong  to.

Masaya ako at masaya na din sya sa ngaun, nakausap ko sya kanina lang at masiyahin pdin sya tulad nang dati tapos mapagbiro pa din nakakatuwa lang talaga, tapos gsto ko na din magpasalamat! (para saan?) hmm.. sa pagchachat nya saken, ntawa pa nga ako kasi mag gogoodluck pala sya para sa prelims ko eh ktatapos lang dn nang prelim ko. :)  sa  totoo lang, naiyak ako habang ka chat sya kasi prang kanina sa paguusap namin na un parang ang gaan lang sa pakiramdam at bumalik ung dati na nakakalokohan ko sya, kaya nga tinago ko na lang sa panay happy face na emoticon, akala ko mahahalata nya ung totoo pero ndi naman, oo nahalata nya yung panay happy face pero d nya nalaman ung pinaka rason. Tapos un thankyou ulit talaga sa kanya ;) 

Goodluck na lang din sa studies nya at lagi ko naman pinagppray yun eh every  time na patulog na ko madalas ko nang nakaugalian yun tlga, Basta ngayon if need nya makakausap dto lang ako at kung malungkot sya sana kahit papaano makatulong ako para mapangiti sya kahit yun lang matupad ako na pinaka masaya talaga :)

#pahabangbaliw;)) 08
THANKYOU talaga ;)  

Friday, 13 July 2012

:'(

Nakakainis!
Naluha na naman ako nang di ko namamalayan :) hahahaha anung kakornihan na naman to josh? akala ko ba nakokontrol mo na? kinakaya mo naman na dba? mas naiintndhan ko naman na dba? oh anu na naman ba to? muntimang lang eh XD baliw baliw baliw



Kung anu ano na namang naiisip ko at nsasabi na walang kwenta hahahaha nonsense! tinitiis ko naman eh, ayoko na maging mahina, ayoko na may makakaalam na naiyak na naman ako gabi-gabi tama na yun wag na mauulit! gngawa ko naman lahat ah nag aaral na ko nang mabuti oh magpapakabusy ako oo eto na nga oh! 


Pero sa totoo lang ngaun? im so happy sobraaaaaaaaaaaaaang saya kasi nakausap ko naman sya kahit papaano nakamusta, nakakwentuhan kaya ayun nakakamiss lang talaga nang sobra, ako?! tatanungin mo kung may araw bang di sya pumasok s isip ko, ung totoo? wala talaga palagi ko namang naiisip un palagi ko din pinagppray kada gabi, dati ko pa naman ginagawa un kahit nung close na close pa kame eh ;) 


Oo, di ko na maitago tlga mnsan, darating sa punto na iiyak ako nang wala sa oras :|
Yung feeling na para kang nakasabit at di mapigtal pigtal ung tali na nakapulupot sayo at di ka makababa XD

#pahabangbaliw;)) 08

Wednesday, 11 July 2012

Nan neorul saranghae ;)

Gandang umaga! :)
kaka-online ko lang din,
kagigising ko lng kasi tapos maya balik ako lyceum para kunin na ung ni request kong goodmoral :P hmm sakit lang tlga netong kanang siko ko nabangga kasi sa kanto nang bakal na bench sa STI :| HAHAHAHA pero keri pa namaaaaaaan.

Napa-blooooog lang din gsto ko sana ibalita kay Em na mataas naman grado ko ngaun :) hahahaha nakakahiya lang tlga ipm istorbo lang kaya dto ko na lang isinusulat :), tapos kanina pa pinasayaw ba naman kami sa PROFETH nang call me maybe :| d ko alam kung para saan basta recitation daw :| nakakahiya eh haaaaaaay, namimiss ko na tlga sya kausaaaaaap.

#pahabangbaliw;)) 08

Sunday, 8 July 2012

:)) medyo tapos na







Good Evening!
11:14pm July 8, 2012 



4th month namin ngayon at ayan tapos ko nang sulatan kaso di ko pa nalilinawan ung design at nadidikita ung iba pang design dn :) HAHAHAHAHA ansarap tingnan kapag natatapos ko na sya biruin mo un kahit nagrereview, may ka chat, soundtrip at pagod nagawa ko pa yan ;) HAHAHAHA i cant believe it pero happy talaga sobraaaaaaaaaaaaaaaa
Wish ko sa kanya is magtagumpay sya sa goal nya sa buhay nya at maging masaya araw araw at healthy at hanggat maaari iiwas sa kapahamakan ;) masaya na ko kung masaya dn sya ;)

Ayun, balik sa pagrereview at maya maya isang oras na lang bday na din nang bunsong kapatid ko ! ;) HAHAHAHAHAHAHAHA >:)) popost ako babatiin ko un :P

#pahabangbaliw;)) 08

Saturday, 7 July 2012

4th month :">



Ayun, happy 4th month sa amin :) pasensya na di ko pa tapos at nasusulatan pero dont you all worry ttapusin ko yaaaaaaan ;)
Wish ko lang naman para sa kanya is good health then aral nang mabuti wag na wag dn kakalimutang mag pray. ILOVEYOU PABILOOOOOOOOOOOG ;)

#pahabangbaliw;)) 08

Heto na naman :'(

Yung totoo?
Pagod na pagod na ko talaga as in.
Paulit-ulit na lang to, at di ko na maintindhan talaga sila kung bakit kailangan humantong ang 180pesos para sa pagtigil ko na naman sa pagaaral, pangalawang try ko na to at gstong gsto ko na tlga makatapos ako para makatulong gsto kong may matapos at kaya nga ko nagaaral nang mabuti para sa pamilya ko at sa mga gsto ko patunayan sa sarili ko eh. pero paano ko magagawa un kung darating na naman sa puntong ganto :'( siguro sa iba oo di nyo ko maiintndhan, may maayos kayong pamumuhay nakakapagaral kayo nakakapagbulakbol nakakabili nang luho nyo pero ibahin nyo ako.



Hanggat maaari tinitiis ko na lahat kung kinakailangang maging bato na ginagawa ko naman eh, pero sadyang mahirap na, mahirap sya kasi di tulad nang iba may mapagsasabihan ako neto at di rin tulad nang iba na laging may nakakaintndi saken. Nakakasawa na! :'( pagod na ko pero still tumatayo pa din ako nang walang kasiguruhan, oo kailangan ko nang tulong pero kanino? at paano? kung makakapagtrabaho nga lang ako eh kaso conflict sa sched ko alanganin baka mapwersa ko pa ktawan ko at kung anu mangyari.


Sa ngayon, di ko na alam! sobrang sakit na ang hirap kapag may hinanakit ka sa loob na itinatago na hindi mailabas gstuhin ko mang magalit pero sa ngaun parang wala akong karapatan dahil wala naman akong hawak eh. Siya nagpapaaral saken sya nagbibigay lahat so paano na kung wala sya ? NGANGA? mahirap din aaminin ko na talaga kaya tinitiis ko lahat ultimo sakit sa sarili itinatago ko na sa kanila mapa kahit na anong sakit di na dapat maramdaman or paapekto pa ;'(

Ang hirap lang talaga nang kalagayan, ang hirap magaral nang may bitbit na hinanakit at sumbat, ang hirap nang magaral nang madaming bumabagabag. Panganay ako at ako ang inaasahan eh :| HAAAAAAAAAY sana di naman ganun gsto ko na talagang makatapos

#pahabangbaliw;)) 08

Thursday, 5 July 2012

Nagpapakatatag naman ako eh

Hindi n ko makapagfocus sa dapat kong gawin :(
Sadyang nakakalungkot lang kasi may mga bagay na parang na reset as in wala na talaga hindi ko alam kung bakit pero siguro eto na rin siguro ung mas makakabuti di lang para sa kanya kundi para sa lahat. Isa pang kinabiliban ko talaga sa kanya is marunong syang tumingin di lang sa side nya pati na din sa iba ;) im not all saying this para ipamukha sa inyo na tama sya palagi, sadyang mas maganda lang at mas maayos ung mga naiisip nya.
 

Minsan nya nang naitanong sakin kung bakit di daw ako bumibitiw, kung ano daw ba ang meron at ang laging tugon ko eh "kasi nga mahal na mahal kita" at ang laging sagot nun "hindi eh! basta" pero sa totoo lang kahit ako di ko alam kung ano ba tlga ung dapat sabihin sa oras na tanungin nang ganun kasi ako sa tingin ko at sa pananaw ko lalaban ako sa paraang alam ko at nang walang naaapakang ibang tao. kumbaga i fight for what i believe. kada gabi ko na din namang tanong sa sarili ko un eh kung bakit di ako bumibitiw, di ko to sinasabi para kaawaan nyo ako or what at hindi ko din sinasabi to para iparating sa inyo na nasasaktan na naman ako kasi sa totoo lang im used to it na saka alam ko din talaga sa sarili ko na darating sa puntong ganto kaya wala kong pinagsisisihan oh kung anu pa man, magmukha man akong tanga sa iba, annoying o kung anu pa man, the hell i care? 

Nagpapakatatag naman ako eh. 

#pahabangbaliw;)) 08

Wednesday, 4 July 2012

TIMAAAAAAAAAANG

 10:19am
Thursday

Natatawa ako ngayon sa reaction ko! HAHAHAHAH :))
obvious na obvious na gsto ko sya makausap eh, paano nagbigay ba naman nang isang topic na kahit na wala naman sya pakialam wahahahahaha adik lang ako? ;)
Kinakabahan ako, lalu na kapag magrereply sya XD anubanamanyan :|

#pahabangbaliw;)) 08

Palagi naman eh

Good morning naaa !
Trending si THOR kagabi at kahit ngaun at dahil dyan HAPPY THORSDAY ! nyeeeeeeh~ korni na HAHAHAHA.

Kanina pag-uwi ko bagsak agad eh pagtapos kumain pahinga tapos tulog na, nagising ako nang mga 11pm tapos aun nag bkas PC na :)


Kahapon nakakatuwa naman kasi naappreciate ng iba ung mga drawings ko tulad nung instructor ko na nagpadrawing saken pinapalagyan pa nga dedication eh tinamad na ako at wala maisip sabi ko next time na lang. tapos aun im still preparing pa din ooops ! di lang sa prelim ah, bastaaaaaaaa ;) malapit lapit ndn kasi un kaya dapat paghandaan as usual ganun pdn naman bastaaaaaaaa ! malalaman nyo sa susunod kong mga posts ! ;)

Kanina nga napakuha na naman ako sa mga naipon kong naibigay nya at gawa nya para saken tapos kanina ko lang rin nalaman ung tugtog sa video na ginawa nya, d ko kasi alam ung title nung kanta un pala KISS THE RAIN pala HAHAHAHA naiinlove talaga ako lalu kapag naaalala ko ung mga efforts nun dati grabe un eh ;) siya kasi ung tipo nang tao na kapag may plano di nya tlga sasabihin para ma surprise ka.

Tapos kanina binasa ko let ung mga sulat na binigay nya, tingin pictures haynako! parang di ko to ginagawa sa tuwing mag oonline ako at bubukas PC nang gantong mga oras. HAHAHAHAHA palagi naman ika nga!
;) basta andami ko lang tlga natututunan at narerealize bastaaaaaaaaaaaaaa ! ibang klase impact nung tao na yun saken eh kaya nga ngaun walang nababago for what i feel eh pero ang hirap pa dn talaga kasi na itago! paano kabisado na ko nun eh saka siguro naman di na nappadaan un dto lalu pat puro kakornihan lang nailalatag ko dto :) hmmmm IMISSHER :'(

#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 3 July 2012

NABALIW NA

Nakakapagod na araw, pero heto nakapag computer pa din at online :)
Grabe pag uwi ko kagabi mga 8:00pm ang lakas nang ulan kaya basa sapatos at medyas ko pati ung pantalon XD buti na lang tlga may dalang payong at di nabasa ang ulo kundi trangkaso ang abot ko nun. medyo nilamig pa naman kanina.

By the way, Wednesday na pala ngayon, 1:30pm pa pasok ko papahinga lang naman ako kinaumagahan  tapos basa notes saka drawing tapos aun ;) hmm bukas sa wakas makakapag report na ko para sa grupo namin 2 meetings na ko nabibitin kung kelan puno n nang idea mabibitin pa HAHAHA PROFETH subject p naman XD

Ayun alas dos na nang madaling arw at naka online p din ako at ganun pa din dala pa din nang pagiisip, lagi naman eh ;) HAHAHA di naman na naiba tapos sobraaaaaaaaaang saya ko lang kasi nagmessage back sya saken :P :") HAHAHAHAY korni ko kinikilig na antok woooooo palibhasa ako lang ganto katimang ;) pero ayos lang, wag nga kayooooooooooo ! eeeh ! >:)) antagal ko na din di nakakasulat kay notebook palagi ko sinasabing susulat ako pero nauudlot dala nang ktamaran at nang mga gawain XD pero updated naman dto sa blog eh kaya ayos lang kayang kaya isulat ung mga idea na dpat isusulat kay notebook ;)

HAAAAAAAAAAAAY MISS KO NA TALAGA SI ANOOOOOOOOO :'( almost 2months na tlgang walang usap or kahit ni anoooo :'( ang hirap kaya magpanggap na wala kang pakialam kahit na halos gabi gabi kang matagal makatulog at un lang lagi nsa isip kahit saan. minsan eh napapatulala nlng :|

#pahabangbaliw;)) 08
BALIWNAAAAAAAA

Sunday, 1 July 2012

Kunwari ayos lang lahat

Every night nagkakaroon ako nang mga kasagutan, kasagutan na hindi ko alam kung para saan. Tapos mararamdaman mo yung feeling na parang nagsasagot ka nang multiple choice pero wala dun ung tamang sagot sa pagpipilian mo, daig mo pa yung bulag at ibang may kapansanan na hindi alam ung gagawin. 


Ako yung tipo nang tao na hindi agad sumusuko sa isang bagay, ako yung tipo na paulit ulit mang madapa or magkamali tumatayo pa din at humahanap ng tamang kasagutan sa bawat mali kong kasagutan sa isang tanong. Siguro may mga taong kilala ako bilang isang masiyahing tao, kwela, bibbo, makulit, mapangasar, pero iilan lang sa kanila yung totoong nakakakilala kung sino at ano akong klase nang tao. at masasabi kong isa sila sa mga totoo at tunay kong kaibigan.


Hindi ko maiwasang tanungin sa sarili ko, kung ano ba talaga ung tama at yung mali, kung kailan sasabihing tama na, sobra na at sige pa kulang pa,  at kung kailan nagiging patas ang isang bagay. Andaming katanungan sa isip ko mga katanungan na pilit kong hinahanapan nang kasagutan at lahat nang yun sinisimulan ko mula sa pinakasimula. Oo sa pinakasimula mapamaliit na bagay man at syempre magsisimula un sa sarili ko, hanapin ang sarili kumbaga. 


Sa mga oras na dapang-dapa na ko at di na makabangon, may mga bagay pa dn talagang pumapasok bigla sa isip ko at parang un ung mga nagiging energy boosters ko para tumayo muli at lumaban hindi lang para sa kanila kundi para sa sarili ko. Ayoko nang maging mahina, ayoko nang maging emosyonal minsan nga naisipan ko nang mging isang literal na robot eh at least sila di nakakaramdam walang sakit, pero naiisip ko sa lahat nang sakit at hirap na nararanasan nang isang tao un pa ung nagiging weapon nila para mas pagigihan at manindigan para sa sarili nila di tulad nang robot na sumusunod lang kung ano ang nakaprogram sa kanila. walang feelings. di ko mararamdaman ung feeling na sumasakit ung tiyan sa kakatawa nang sobra at kahit ung maiyak nang sobra at humikbi nang bonggang bongga. with matching tulo nang sipon. ;)

HAAAAAAAAY. Ang hirap magtago nang totoong nararamdaman. Yung kunwari wala na lahat! :'(

#pahabangbaliw;)) 08