hindi ko alam kung tama bang ganoon ang maramdaman ko, sino ba naman ako para magsalita nang ganun sa kanya dba? Ang noon na nagkaroon na nang pag-asa na mabuo ang nalamatang relasyon isa na ngayong malaking misteryo kung maiaayos pa nga ba tulad nang dati o hindi na.
Oo, madami akong bagay na hindi maintindihan. Mga bagay na tanging siya lang ang nakakaalam nang mga kasagutan, mga bagay na ni minsan di sumagi sa isip ko. Praning lang siguro ako! Bakit ko nsasabi to? di naman sa pinuput down ko sarili ko, description ko? kung anong klase akong tao ? cge !
Ako yung tipo nang tao na hindi mo gugustuhin na walang ginawa at inatupag kundi magdrawing, magbasa at magsulat nang gantong mga lathalain na wala namang pinatutunguhan. sabi ng iba may talent daw ako sabi lang nila yun ah :) SELOSO sobrang seloso na na oout of place na, lalaking di alam kung tama na ba ang isang bagay kaya di pa sumusuko hanggat kaya pa. tingin nyo ? may pahihinatnan ba ko nyan?
Gustuhin ko mang itama ang lahat pero parang ikaw na din mismo yung nagsasabi though not in literal tlaga na sinasabi mo saken pero ramdam ko na, na "tama na!, masasaktan ka lang". wala naman ako magawa eh :) eh tanga nga! kaya ayan hala cge bira pa! sa sandaling panahon kita nakilala, lahat yung pinagkatiwalaan kita binigay ko naman buong tiwala ko at wala ko pinagsisisihan sa lahat, alam ko kasing totoo kang tao at prangka talga!
Maulan ngayon sa labas, kasabay nang pagpatak nang bawat raindrops sa lupa ang pagpatak nang luha, mga luhang walang katapusan, kadramahan? oo kadramahan to! wag kang titingin, wag mo kong lilingunin mas maiging nakangiti ka! wala lang to, kaya ko pa naman. sa ngayon umaasa pa din ako na magiging okay ang lahat kaht na parang wala na. eh tanga nga eh ? :) hayaan mo na lang ako.
Sa ngayon ayaw ko nang dumagdag sa iniisip mo, wag mong isiping nakapagdecide na ko na lumayo na lang or something, isipin mo na lang na ginagawa ko din to para de ka na mapaisip at makadagdag pa ko sa mga isipin mo :) dagdag sakit ulo lang ako kung uunawain mo pa ulet, wrinkles lang ako :) concentrate sa goals mo think positive, basta't masaya ka masaya ndin ako nun di mo man halata pero totoo. im not making a promise now na aantayin kita pero susubukan ko pdin, hanggat may kamay pa kong pandrawing at pansulat gagawin ko :) sugal na nga eh, dont worry de ako mag eexpect! ayuko mag paawa at lalung lalo na ayaw kong kaawaan mo ko ang gsto ko lang ngaun is sana mahanap mo yung mga sagot para dyan sa mga gumugulo sa isip mo alam ko namang kaya mo yan eh .. FIGHTING ! -^_^- dito lang naman ako lagi, di ako mawawala :)
No comments:
Post a Comment