Tuesday, 25 September 2012

:)

Almost 6months passed by, but why I still feel the same way like I do before. Oo, nasaktan ako Oo, din umasa ako as in asang-asa. Inakala ko na kapag busy ako makakalimutan ko lahat pero hindi pdin naman pala talaga, bakit ganun na lang kalaki yung epekto saken tapos kanina nabasa ko pa ung mga old text messages nya sakin d ko namalayan at kanina ko lang let nasalpak yung sim ko na yun at andun pa pala ang karamihan sa mga text messages nya.

I'm wondering how is she now?  Is she okay? Does she finally find her real happiness? ang hirap sa kalagayan ko din ngayon ako na din naman kasi yung mismong nilayuan maybe oo sawang sawa na sa kadramahan anything ko haaay :( di ko pa din ma explain kung bakit ganito pa din ung nararamdaman ko nakakainis na nakakaburyo ! woooo Lord! help me! XD .

Ngayon n nga lang let nakapagblog nang aking damdamin eh matapos ang napakahabang araw at buwan na lumipas nakakagulat dn naman kasi still may mga nakakabasa pden netong blog ko XD grabe. haaay oo aminado naman akong miss ko na yung dating kami eh pero mkha namang malabo yun :( malabo pa sa plastik labo :( L.U.I .. (Loving U Infinitely) .

#pahabangbaliw08 ;))

Tuesday, 24 July 2012

BLOG ulit

Oooooh BLOG nagtuos na naman tayo !
sensya na at ngayon na lang nakapagpost gawa nang prelims nung nakaraan kailangan makapag review eh :)
at ayun nga ayos naman ang kinalabasan :P eeheheheheheh THANK GOD !


Super saya ko din kasi nakachikkahan ko siya nung nakaraang nakaraang araw :) kaso she's stressed at di alam ang gagawin nakakainis nga at wala naman ako maitulong pero sinubukan ko naman sya imotivate kahit papano kaso mkhang di nakatulong haaaaaaay :(
I really hope na maging ok ok na sya at alam ko na malalampasan nya yan sya pa kaya nya yun no ;)
haaaay nakakaaning lang din ung tanong nya nung nakaraan  haaay nagulat ako grabehan lang eh XD aun sige dto muna at may tinatapos at sinusubukan akong program :p


#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 17 July 2012

AKALA KO

Akala ko kaya ko
Isa siguro sa pinakamahirap na gngawa ko ngayon etong pagtatago nang totoong ako. Oo lahat nang ako! lahat nang nararamdaman ko lalo na yung mga sakit at hirap na minsan di ko na lang namamalayan na napapaluha na ko with matching panginginig pa sa sobrang sakit at nakakapanghina.

Di ko alam, useless na din ata talaga eh. Sinusubukan ko naman magpakatigas eh, oo ayan oh aaminin ko na na kaya mas gsto ko mapagisa kasi ayoko na nakkta ako nang iba, i mean ung totoong ako at ung totoong nararamdaman ko. makikitawa ako hanggat kaya ko pero sa loob-loob ko hirap din naman ako. siguro nga ako lang din nagpapahirap sa sarili ko. sabi nila lilipas din daw to at mawawala umasa ako na ganun na nga lang yun kahit hanggang ngayon asang-asa ako na mangyayari nga yun pero hanggang ngayon wala pa din talagang nababago or nakakalimutan sa kada araw na lilipas mas lalu lang ako nababaon sa nraramdaman kong  to.

Masaya ako at masaya na din sya sa ngaun, nakausap ko sya kanina lang at masiyahin pdin sya tulad nang dati tapos mapagbiro pa din nakakatuwa lang talaga, tapos gsto ko na din magpasalamat! (para saan?) hmm.. sa pagchachat nya saken, ntawa pa nga ako kasi mag gogoodluck pala sya para sa prelims ko eh ktatapos lang dn nang prelim ko. :)  sa  totoo lang, naiyak ako habang ka chat sya kasi prang kanina sa paguusap namin na un parang ang gaan lang sa pakiramdam at bumalik ung dati na nakakalokohan ko sya, kaya nga tinago ko na lang sa panay happy face na emoticon, akala ko mahahalata nya ung totoo pero ndi naman, oo nahalata nya yung panay happy face pero d nya nalaman ung pinaka rason. Tapos un thankyou ulit talaga sa kanya ;) 

Goodluck na lang din sa studies nya at lagi ko naman pinagppray yun eh every  time na patulog na ko madalas ko nang nakaugalian yun tlga, Basta ngayon if need nya makakausap dto lang ako at kung malungkot sya sana kahit papaano makatulong ako para mapangiti sya kahit yun lang matupad ako na pinaka masaya talaga :)

#pahabangbaliw;)) 08
THANKYOU talaga ;)  

Friday, 13 July 2012

:'(

Nakakainis!
Naluha na naman ako nang di ko namamalayan :) hahahaha anung kakornihan na naman to josh? akala ko ba nakokontrol mo na? kinakaya mo naman na dba? mas naiintndhan ko naman na dba? oh anu na naman ba to? muntimang lang eh XD baliw baliw baliw



Kung anu ano na namang naiisip ko at nsasabi na walang kwenta hahahaha nonsense! tinitiis ko naman eh, ayoko na maging mahina, ayoko na may makakaalam na naiyak na naman ako gabi-gabi tama na yun wag na mauulit! gngawa ko naman lahat ah nag aaral na ko nang mabuti oh magpapakabusy ako oo eto na nga oh! 


Pero sa totoo lang ngaun? im so happy sobraaaaaaaaaaaaaang saya kasi nakausap ko naman sya kahit papaano nakamusta, nakakwentuhan kaya ayun nakakamiss lang talaga nang sobra, ako?! tatanungin mo kung may araw bang di sya pumasok s isip ko, ung totoo? wala talaga palagi ko namang naiisip un palagi ko din pinagppray kada gabi, dati ko pa naman ginagawa un kahit nung close na close pa kame eh ;) 


Oo, di ko na maitago tlga mnsan, darating sa punto na iiyak ako nang wala sa oras :|
Yung feeling na para kang nakasabit at di mapigtal pigtal ung tali na nakapulupot sayo at di ka makababa XD

#pahabangbaliw;)) 08

Wednesday, 11 July 2012

Nan neorul saranghae ;)

Gandang umaga! :)
kaka-online ko lang din,
kagigising ko lng kasi tapos maya balik ako lyceum para kunin na ung ni request kong goodmoral :P hmm sakit lang tlga netong kanang siko ko nabangga kasi sa kanto nang bakal na bench sa STI :| HAHAHAHA pero keri pa namaaaaaaan.

Napa-blooooog lang din gsto ko sana ibalita kay Em na mataas naman grado ko ngaun :) hahahaha nakakahiya lang tlga ipm istorbo lang kaya dto ko na lang isinusulat :), tapos kanina pa pinasayaw ba naman kami sa PROFETH nang call me maybe :| d ko alam kung para saan basta recitation daw :| nakakahiya eh haaaaaaay, namimiss ko na tlga sya kausaaaaaap.

#pahabangbaliw;)) 08

Sunday, 8 July 2012

:)) medyo tapos na







Good Evening!
11:14pm July 8, 2012 



4th month namin ngayon at ayan tapos ko nang sulatan kaso di ko pa nalilinawan ung design at nadidikita ung iba pang design dn :) HAHAHAHAHA ansarap tingnan kapag natatapos ko na sya biruin mo un kahit nagrereview, may ka chat, soundtrip at pagod nagawa ko pa yan ;) HAHAHAHA i cant believe it pero happy talaga sobraaaaaaaaaaaaaaaa
Wish ko sa kanya is magtagumpay sya sa goal nya sa buhay nya at maging masaya araw araw at healthy at hanggat maaari iiwas sa kapahamakan ;) masaya na ko kung masaya dn sya ;)

Ayun, balik sa pagrereview at maya maya isang oras na lang bday na din nang bunsong kapatid ko ! ;) HAHAHAHAHAHAHAHA >:)) popost ako babatiin ko un :P

#pahabangbaliw;)) 08

Saturday, 7 July 2012

4th month :">



Ayun, happy 4th month sa amin :) pasensya na di ko pa tapos at nasusulatan pero dont you all worry ttapusin ko yaaaaaaan ;)
Wish ko lang naman para sa kanya is good health then aral nang mabuti wag na wag dn kakalimutang mag pray. ILOVEYOU PABILOOOOOOOOOOOG ;)

#pahabangbaliw;)) 08

Heto na naman :'(

Yung totoo?
Pagod na pagod na ko talaga as in.
Paulit-ulit na lang to, at di ko na maintindhan talaga sila kung bakit kailangan humantong ang 180pesos para sa pagtigil ko na naman sa pagaaral, pangalawang try ko na to at gstong gsto ko na tlga makatapos ako para makatulong gsto kong may matapos at kaya nga ko nagaaral nang mabuti para sa pamilya ko at sa mga gsto ko patunayan sa sarili ko eh. pero paano ko magagawa un kung darating na naman sa puntong ganto :'( siguro sa iba oo di nyo ko maiintndhan, may maayos kayong pamumuhay nakakapagaral kayo nakakapagbulakbol nakakabili nang luho nyo pero ibahin nyo ako.



Hanggat maaari tinitiis ko na lahat kung kinakailangang maging bato na ginagawa ko naman eh, pero sadyang mahirap na, mahirap sya kasi di tulad nang iba may mapagsasabihan ako neto at di rin tulad nang iba na laging may nakakaintndi saken. Nakakasawa na! :'( pagod na ko pero still tumatayo pa din ako nang walang kasiguruhan, oo kailangan ko nang tulong pero kanino? at paano? kung makakapagtrabaho nga lang ako eh kaso conflict sa sched ko alanganin baka mapwersa ko pa ktawan ko at kung anu mangyari.


Sa ngayon, di ko na alam! sobrang sakit na ang hirap kapag may hinanakit ka sa loob na itinatago na hindi mailabas gstuhin ko mang magalit pero sa ngaun parang wala akong karapatan dahil wala naman akong hawak eh. Siya nagpapaaral saken sya nagbibigay lahat so paano na kung wala sya ? NGANGA? mahirap din aaminin ko na talaga kaya tinitiis ko lahat ultimo sakit sa sarili itinatago ko na sa kanila mapa kahit na anong sakit di na dapat maramdaman or paapekto pa ;'(

Ang hirap lang talaga nang kalagayan, ang hirap magaral nang may bitbit na hinanakit at sumbat, ang hirap nang magaral nang madaming bumabagabag. Panganay ako at ako ang inaasahan eh :| HAAAAAAAAAY sana di naman ganun gsto ko na talagang makatapos

#pahabangbaliw;)) 08

Thursday, 5 July 2012

Nagpapakatatag naman ako eh

Hindi n ko makapagfocus sa dapat kong gawin :(
Sadyang nakakalungkot lang kasi may mga bagay na parang na reset as in wala na talaga hindi ko alam kung bakit pero siguro eto na rin siguro ung mas makakabuti di lang para sa kanya kundi para sa lahat. Isa pang kinabiliban ko talaga sa kanya is marunong syang tumingin di lang sa side nya pati na din sa iba ;) im not all saying this para ipamukha sa inyo na tama sya palagi, sadyang mas maganda lang at mas maayos ung mga naiisip nya.
 

Minsan nya nang naitanong sakin kung bakit di daw ako bumibitiw, kung ano daw ba ang meron at ang laging tugon ko eh "kasi nga mahal na mahal kita" at ang laging sagot nun "hindi eh! basta" pero sa totoo lang kahit ako di ko alam kung ano ba tlga ung dapat sabihin sa oras na tanungin nang ganun kasi ako sa tingin ko at sa pananaw ko lalaban ako sa paraang alam ko at nang walang naaapakang ibang tao. kumbaga i fight for what i believe. kada gabi ko na din namang tanong sa sarili ko un eh kung bakit di ako bumibitiw, di ko to sinasabi para kaawaan nyo ako or what at hindi ko din sinasabi to para iparating sa inyo na nasasaktan na naman ako kasi sa totoo lang im used to it na saka alam ko din talaga sa sarili ko na darating sa puntong ganto kaya wala kong pinagsisisihan oh kung anu pa man, magmukha man akong tanga sa iba, annoying o kung anu pa man, the hell i care? 

Nagpapakatatag naman ako eh. 

#pahabangbaliw;)) 08

Wednesday, 4 July 2012

TIMAAAAAAAAAANG

 10:19am
Thursday

Natatawa ako ngayon sa reaction ko! HAHAHAHAH :))
obvious na obvious na gsto ko sya makausap eh, paano nagbigay ba naman nang isang topic na kahit na wala naman sya pakialam wahahahahaha adik lang ako? ;)
Kinakabahan ako, lalu na kapag magrereply sya XD anubanamanyan :|

#pahabangbaliw;)) 08

Palagi naman eh

Good morning naaa !
Trending si THOR kagabi at kahit ngaun at dahil dyan HAPPY THORSDAY ! nyeeeeeeh~ korni na HAHAHAHA.

Kanina pag-uwi ko bagsak agad eh pagtapos kumain pahinga tapos tulog na, nagising ako nang mga 11pm tapos aun nag bkas PC na :)


Kahapon nakakatuwa naman kasi naappreciate ng iba ung mga drawings ko tulad nung instructor ko na nagpadrawing saken pinapalagyan pa nga dedication eh tinamad na ako at wala maisip sabi ko next time na lang. tapos aun im still preparing pa din ooops ! di lang sa prelim ah, bastaaaaaaaa ;) malapit lapit ndn kasi un kaya dapat paghandaan as usual ganun pdn naman bastaaaaaaaa ! malalaman nyo sa susunod kong mga posts ! ;)

Kanina nga napakuha na naman ako sa mga naipon kong naibigay nya at gawa nya para saken tapos kanina ko lang rin nalaman ung tugtog sa video na ginawa nya, d ko kasi alam ung title nung kanta un pala KISS THE RAIN pala HAHAHAHA naiinlove talaga ako lalu kapag naaalala ko ung mga efforts nun dati grabe un eh ;) siya kasi ung tipo nang tao na kapag may plano di nya tlga sasabihin para ma surprise ka.

Tapos kanina binasa ko let ung mga sulat na binigay nya, tingin pictures haynako! parang di ko to ginagawa sa tuwing mag oonline ako at bubukas PC nang gantong mga oras. HAHAHAHAHA palagi naman ika nga!
;) basta andami ko lang tlga natututunan at narerealize bastaaaaaaaaaaaaaa ! ibang klase impact nung tao na yun saken eh kaya nga ngaun walang nababago for what i feel eh pero ang hirap pa dn talaga kasi na itago! paano kabisado na ko nun eh saka siguro naman di na nappadaan un dto lalu pat puro kakornihan lang nailalatag ko dto :) hmmmm IMISSHER :'(

#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 3 July 2012

NABALIW NA

Nakakapagod na araw, pero heto nakapag computer pa din at online :)
Grabe pag uwi ko kagabi mga 8:00pm ang lakas nang ulan kaya basa sapatos at medyas ko pati ung pantalon XD buti na lang tlga may dalang payong at di nabasa ang ulo kundi trangkaso ang abot ko nun. medyo nilamig pa naman kanina.

By the way, Wednesday na pala ngayon, 1:30pm pa pasok ko papahinga lang naman ako kinaumagahan  tapos basa notes saka drawing tapos aun ;) hmm bukas sa wakas makakapag report na ko para sa grupo namin 2 meetings na ko nabibitin kung kelan puno n nang idea mabibitin pa HAHAHA PROFETH subject p naman XD

Ayun alas dos na nang madaling arw at naka online p din ako at ganun pa din dala pa din nang pagiisip, lagi naman eh ;) HAHAHA di naman na naiba tapos sobraaaaaaaaaang saya ko lang kasi nagmessage back sya saken :P :") HAHAHAHAY korni ko kinikilig na antok woooooo palibhasa ako lang ganto katimang ;) pero ayos lang, wag nga kayooooooooooo ! eeeh ! >:)) antagal ko na din di nakakasulat kay notebook palagi ko sinasabing susulat ako pero nauudlot dala nang ktamaran at nang mga gawain XD pero updated naman dto sa blog eh kaya ayos lang kayang kaya isulat ung mga idea na dpat isusulat kay notebook ;)

HAAAAAAAAAAAAY MISS KO NA TALAGA SI ANOOOOOOOOO :'( almost 2months na tlgang walang usap or kahit ni anoooo :'( ang hirap kaya magpanggap na wala kang pakialam kahit na halos gabi gabi kang matagal makatulog at un lang lagi nsa isip kahit saan. minsan eh napapatulala nlng :|

#pahabangbaliw;)) 08
BALIWNAAAAAAAA

Sunday, 1 July 2012

Kunwari ayos lang lahat

Every night nagkakaroon ako nang mga kasagutan, kasagutan na hindi ko alam kung para saan. Tapos mararamdaman mo yung feeling na parang nagsasagot ka nang multiple choice pero wala dun ung tamang sagot sa pagpipilian mo, daig mo pa yung bulag at ibang may kapansanan na hindi alam ung gagawin. 


Ako yung tipo nang tao na hindi agad sumusuko sa isang bagay, ako yung tipo na paulit ulit mang madapa or magkamali tumatayo pa din at humahanap ng tamang kasagutan sa bawat mali kong kasagutan sa isang tanong. Siguro may mga taong kilala ako bilang isang masiyahing tao, kwela, bibbo, makulit, mapangasar, pero iilan lang sa kanila yung totoong nakakakilala kung sino at ano akong klase nang tao. at masasabi kong isa sila sa mga totoo at tunay kong kaibigan.


Hindi ko maiwasang tanungin sa sarili ko, kung ano ba talaga ung tama at yung mali, kung kailan sasabihing tama na, sobra na at sige pa kulang pa,  at kung kailan nagiging patas ang isang bagay. Andaming katanungan sa isip ko mga katanungan na pilit kong hinahanapan nang kasagutan at lahat nang yun sinisimulan ko mula sa pinakasimula. Oo sa pinakasimula mapamaliit na bagay man at syempre magsisimula un sa sarili ko, hanapin ang sarili kumbaga. 


Sa mga oras na dapang-dapa na ko at di na makabangon, may mga bagay pa dn talagang pumapasok bigla sa isip ko at parang un ung mga nagiging energy boosters ko para tumayo muli at lumaban hindi lang para sa kanila kundi para sa sarili ko. Ayoko nang maging mahina, ayoko nang maging emosyonal minsan nga naisipan ko nang mging isang literal na robot eh at least sila di nakakaramdam walang sakit, pero naiisip ko sa lahat nang sakit at hirap na nararanasan nang isang tao un pa ung nagiging weapon nila para mas pagigihan at manindigan para sa sarili nila di tulad nang robot na sumusunod lang kung ano ang nakaprogram sa kanila. walang feelings. di ko mararamdaman ung feeling na sumasakit ung tiyan sa kakatawa nang sobra at kahit ung maiyak nang sobra at humikbi nang bonggang bongga. with matching tulo nang sipon. ;)

HAAAAAAAAY. Ang hirap magtago nang totoong nararamdaman. Yung kunwari wala na lahat! :'(

#pahabangbaliw;)) 08

Friday, 29 June 2012

JELLYACE ... JELLYFISH ... JELLYBEAN ! >X( HAHAHAHAHA

Magulo ako

Thank God its Friday!
Salamat na lang talaga at natapos na naman ang paguran week! :)) HAHAHAHA pahinga mode na naman wish ko sana maramdaman ko naman ung pahinga kasi parang panandaliang dadaan lang talaga eh tapos another week na naman T_T haaaay aun mamaya siguro magddrawing tapos magsusulat na let kay notebook mtagal tagal na din kasi eh magmula nung di ko masulatan. hmm 



Grabe talaga aun masaya naman kahit papaano na nakakaloko lang HAHAH masaya kasi kahit papaano nasasabayan ko na ung nature dun ndi ung mga tao ah! ung mismong nature lang kumbaga ung mga pasikot sikot nila dun tapos   aun still mysterious pa din. Gustuhin ko mang mag pm dun sa taong gsto ko makausap kaso ngaun malabo na eh mkhang nalayo nga talga un saken eh hmm huwell tulad nang sinabi ko siguro mas mabuti na din un para di ko dn maistorbo dagdag problema lang ako kung makikigulo lang ako maigi na ung nakikita kong maayos na sya tama na un, wag na manghimasok or manggulo hmm diba nga? kung mahalaga ka naman sa tao at importante kahit ano namang mangyari di mawawala ung mga naipakita nun sayo sadyang may mga bagay lang siguro na ndi pa pde ngaun. bastaaaaaaaaaa !  :))

Malungkot nga lang, lagi naman :)) HAHAHAHA ako na lagi malungkot ! UTUT KO BLUEEE ! waahahahahahaha alam ko naman un no saka di naman dapat ipangalandakan un saka di ko sinumbat ni minsan na nasaktan ako sa isang tao no saka kasama sa paglaki un no sus. Kakornihan lang naman kasi un, tingnan mo may positive output pa din kahit papaano as an inspiration nakakatulong pa din sya saken basta madami lang talagang unforgettable memories at mga naituro saken ung taong un!

At maraming bagay syang napatunayan at naibigay na din kaya kahit anong mangyari di ako umaalis dto kahit na mukhang ndi na nagpaparamdam ako at nangungulit, kahit na dito sa simpleng blog ko na lang nailalahad kaya un bastaaaaaaaaaa ! kumbaga mahirap eh, ndi ko ma explain sa pasulat sulat lang tlga or type type XD
Kung maaari nga lang gawan nang truth table para may possible outcome or kahit gawa nang binary tapos icoconvert sa ganito ganyan para makita nya eh kaso hindi T_T HAHAHAHAHAHAHA

Bastaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! puro ako basta muntanga wahahahahah  haynako :)) ;) ang gulo ko no? ang kulit pati HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ^_______ _^ ;)


#pahabangbaliw;)) 08

Wednesday, 27 June 2012

AnNaDiMak

Hindi ako makatulog :\
Nakapag edit na nung na drawing ko para mapost, nagaaral ngaun sa programming tapos nagiisip kung paano iaapply ang  flowchart dto sa problem na to. Naka chat ndn at nakakwentuhan ung budol kong instructor sa programming na mabait naman ;) Haaaaaaay Alam mo yung feeling na gsto mo na matulog pero di ka pa antok.

Umiral pa tong ka aningan nang kanang tuhod ko, kanina nga pala nung PE ko pag upo na pag upo ko biglang sumakit sya nang sobra kapag naigagalaw ko kaya d ako makatayo parang nabugbog na ewan eh buti humupa nung kinalaunan kaya nakapag PE pa ko at aun grupo ko ung may mgandang performance sa exercise na presentation :) CONGRATS saken.

Pero tulad pa din nang mga nakaraang araw at weeks wala pa ding constant friends na maituturing may mga nakakausap na lalaki pero walang kapalagayan loob pa tlga :) sadyang para kay pencil at eraser lang tlga ako ^__________ _^ pero ayos lang kaya ko naman sarili ko sadyang minsan lang kapg mag isa na di maiwasang maisip at mapasok sya :")) kung akala nyo drama to hindi no siguro she's one of my inspiration na din para kahit papaano mas pag igihan pa bastaaaaaaaaaa :)) auko mag explain ! HAHAHAHA bastaaaaaaaaa
HAAAAAAAAAY! malalaman ang lahat kapag nabasa ang mga maisusulat ko kay notebook :)) LOL

#pahabangbaliw;)) 08
AntokNaDiMakatulog. Anoyun? :\

Monday, 25 June 2012

Pleasing, Banda Pleasing! HAHA

Minsan darating talaga tayo sa punto na we cant please everybody or kahit sa isang tao lang sa paraang alam natin. At may kasabihan din naman tayo na you dont need to please anyone, ano ka ? kakanin na itinitinda sa daan? yung tig sasampu isang order na minsa'y di ka pa solve sa nabili mong yun. Kung gsto ka nang isang tao eh di good for you ! Wala kang kailangang gawin or patunayan para magustuhan nang tao basta't ipakita mo yung totoong ikaw. Huwag magpaka meron kung wala talaga ;) 


Ayun nga di sa lahat nang oras sasang ayon ung mga taong nakapaligid sayo sa mga gusto mo, minsan dadating ka talaga sa sitwasyon na kailangan mong mag decision for the sake of yourself at para matigil na din ung mga bagay na kinaayawan mo at rinding-rindi ka na sa kakasabi nun sayo kahit na alam mo mismo sa sarili mo na you can already manage yourself. Ang hirap kasi maipit sa isang sitwasyon eh yung tipong may dalawang panig na nasa gilid mo, parehong mahahalagang panig sa buhay mo mismo di ka makapili kung sino ba talaga ang tama ayy ! hindi ! kung sino ba talaga ang DAPAT ! lahat naman tayo may kanya-kanyang opinyon eh kaya di natin masasabi kung tama or mali dba ? :) opinion yun eh. 

Pero minsan talaga mas pipiliin mo ung mag woworth it talaga i mean yung mas maiintndihan nang isang panig kung bakit un ung pinili mo. Kumbaga parang sa multiple choice type lang na exam yan eh You cant choose two answers kasi isa lang naman talaga ang tama except na lang kung pareho ng sagot ung nasa dalawang letters as in pareho :) pero ndi naman pde un eh HAHAHAHAHA 

Ang gulo ko no? walang patutunguhan to! wahahahahah sa mga nakakagets dyan, MAIGI ! good ! HAHAHA at sa mga hindi? hmm. MGA BUDOL KAYO ! wahahahahahahahah wish ko totoo tong mga tawang wagas ko na emoticon. ;)
Mukhang magkakasakit pa, gawa nung naulanan papuntang school kahapon ni rhai nung vacant ko pati pag uwi, nilakad ko ba naman eh akala ko hindi uulan, aun basang basa eh HAHAHAHAHA KATANGAHAN lang ;) pero iinom gamot lang, at mamaya gabi na naman ako uuwi neto :| sakit katawan ko.

#pahabangbaliw;)) 08

Sunday, 24 June 2012

CHUK CHAK!


Monday na naman! XD
11hours ako ngaung araw YAHOOOOOOOOW ! HAHAHAY goodluck na lang sakin at ingat sa paguwi hmm kagabi natatawa ako, gawa nung naalala ko dating dati pa, naalala ko na naman kasi yung CHUK CHAK portion ung tipong naging bata na nakakatuwa lang hahahahahahahahha :P

Kasi ganito yun nung nagkita kami dati naalala ko nun panay ang sabi ko sa kanya nun na pde wag na lng sya umuwi at kung pde akin na lng kamay nya HAHAHA sabay bigla ba namang gumanun at pumorma pa ah take note! sabay hiwa kunwari with matching effects pa na CHUK CHAK oh ayan na ! :)) HAHAHAHA nakakaboost nang moral, di ako mapalagay kagabi di makatulog LESHE natatawa tlga ko dun.

Isa pang kinatutuwa ko eh feel ko ang sungit ko kapag napasok na ko wahahahahahahahhaha! XD kung bakit ? hmm basta SNOB ako eh wahahahah lalu na kung di sila ung unang nag aapproach matigas pa ko sa bato kkaiba na ko ah wahahahahahahha parang laging meron lang eh no? XD
Nakakamiss mag internet nang matagal. :) HAHAHAY pero tiis tiis lang mas mabuting magaral na muna nang mtuto talaga at maabot ung goal saka ung mga dapat kong maipakita ipapakita ko na ;))


#pahabangbaliw;)) 08

Friday, 22 June 2012

LONER pa din


Umaga!
;)
Ayun thank God its sabado na naman, pahingaaaaaa at gawa nang mga homework mamaya ;) pero may natapos naman na at sa ngayon ang gagawin na lang ay ang pa lettering na pinapagawa ni kurdapyo hmm kamusta school? HAHAHAHA Loner dre! pero kontento na ko sa ganun di ko lang talaga feel yung karamihan sa mga estudyante saka diba nga nasabi ko na din na papa low-profile ako wala akong ibibigay or kahit na anung idea kung anong klase akong tao :)) HAHAHAHAHAHA basta kakaiba lang ung ugali nung iba dun di ko tlga gsto. alam mo ung nararamdaman mo na kahit na di mo pa kilala :\ instinct!

Nakakapagod nga lang tlga yung sched ko kasi naglalakad ako nang tanghali minsan umaga hanggang gabi grabe nakaka aning na ewan lang. TARA BIGTI ! HAHAHAHA ;) pero keri pa naman kahit papaano saka simula pa lang naman to kakayanin pa yan at kahit papaano maganda naman kinakalabasan nang pagtuloy ko ngaun sa pagaaral eh ayos naman ang mga panimulang quiz at seatwork kahit recitations :)) SUSYAL ! HAHAHAHAHAHA


Medyo hindi na din makakababad talaga sa PC nang walang gagawin na importante kaya sige hanggang dito na lang muli ;) sa susunod post ko yung mga doodles ko nung mga oras na walang magawa kapag walang klase or dto lang sa bahay ;) 


May nangyari pa nung pauwi na ko pagbaba ko nang jeep bumaba din ung babaeng highschool student na cute at maputi sabay nagtanong saken ang akala ko nag  papakilala saken kasi ang pagkakarinig ko "Andrea po" .. yun pala "Sa Andrea ka po?" (AndreaVille) village dun sa may lugar sa may salitran. buti na lang ang nasagot ko eh "HUH" lang pero sa isip isip ko na nun sabihin ko na "josh nga pala". HAHAHAHA paano naka pang shake hands na sya eh un pala nagpapalahad lang nang sasabihin. XD HAHAHAHAY adik lang eh .. Leshe !


NakakabotheredNaMgaPanaginip :\
IveBecomeSoNumb
#pahabangbaliw;)) 08

Thursday, 21 June 2012

TGIF

Morning ulit!
Maaga ako ngaun 8am till 2:30pm XD HAHAHAY oyeah thank God its Friday! Grabe lang this past nights sunod sunod tlga ung pagkakapanaginip ko sa kanya kaya minsan kapag nagigising ako sa umaga napapatulala ako nang wala sa oras eh mga 10mins siguro akong tulala na nakaupo lang bakit ba naman kasi ganun ung napapaniginipan ko? may meaning ba sa ganun? psych psych student please ! :)) HAHAHAHAHA :\ pero sa tuwing mangyayari ung ganun mas naaalala ko lang sya at napapahalagahan tlga terrible tlga :(( 



Onga pala ang sched ko ngaun sa pag cocomputer bihira na medyo pinagbabawalan na eh :| pag may mahalagang gagawin na lang tlga ngaung umaga sasaglit lang dn ako at maaga pa pasok ko share ko lang tong blog ko tapos hindi na ko nakakapagcomputer nang gabi gawa nang pagod at minsan diretso tulog or gawa assignment. 


Namimiss ko lang tlga sya, :( 
Pero ayun nga di naman masyadong mahalaga kung mapapapm ako sa knya eh mukhang busy nga un at dami pa gagawin :) pero ayos na din kasi kahit papano nakikita ko naman tlgang pursigido din tlga sya at mukhang kinakaya naman, hmm ako help nlng ako kahit na patago man or sa simpleng bagay lang ;) para kahit papaano bawas hirap HAHAHAHA (kunwari may alam ako sa accounting hahahaha) 
Ganun pa din tlga sa akin :(( HAAAAAAAY

Osiya siya, dito na lang muna. ;)
Ingaaaaaaaaaat sa lahat nang papasok !

#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 19 June 2012

Naalimpungatan

Morning!
Naalimpungatan pa ko kganinang madaling araw mga exact 3am na nun. Di ko alam bigla ako nagising takte yan tapos ang kulit pa ng panaginip ko. Ay onga pala kahapon ang uwi ko mga 7:30pm ndin tapos pagdating ko andto na din si kurdapyo kaya di na din nakapag computer at nakapag search nang assignments at dala na din nang pagod kaya pagtapos kong magpahinga galing dn sa kain ayun natulog na ko at un nga mabalik sa panaginip kong yun! terrible talaga. :)

Biruin mo yun pumunta daw siya dito sa bahay di ko nga alam kung paano nya natunton tong bahay namin kaya ako reaction ko gulat na gulat na sobrang saya na parang napa WATDAFUQ! natawa na lang ako eh tapos ayun nagusap at nagpakilala tapos pinakilala ko na din kay mama ayun kwentuhan tapos nung nagusap na kami bigla daw umiyak tapos hinigit ko pabalik tapos ayaw magsabi kung bakit basta ang huling banggit at narinig ko kasi naiyak nga ang sinabi nya eh "wag mo ako iiwanan" after nun napabangon ako nang agad agaran eh :| pawis na pawis pag check ko sa time alas tres pa lang HAAAAAAAAAY !

Ano naman kaya yung meaning nun?
Saka grabe para akong nabangungot na ewan sa itsura ko nung pagtingin ko sa salamin eh, HAHAHAHA ay sa bagay chura ko pa lang eh bangungot na. sabi nga nang Prog. instructor ko! NABUDOL LANG ! XD Pero grabe lng tlga. hmmmm Ano ba yun? nabagabag tuloy ako. 


#pahabangbaliw;)) 08

Monday, 18 June 2012

당신을 누락

Morning!
Isang napakalamiiiiiiiiiiiiiiiiiig na umaga sa lahat !
Grabe ang diyahe nang mga napapanood ko sa balita panay tungkol na sa bagyo tapos dagdag mo pa yung mga class sa maynila na di malaman kung suspended na ba o hindi :\ terrible tlga ! HAHAHAHAY Diving. More Fun in the Philippines. :)) 



Ang aga aga ko nagising ngayon samantalang 2:30pm pa pasok ko till 8:30pm HAHAHAHAHA Night shift dre! ang sama pa nang gising ko parang magkakalagnat na ewan pero keri lang naman. Hmm balita sa school? ayun ibang-iba nung first day ko sa college sa Lyceum not like there na marami agad ako nakasama dto sa bago ni isa wala akong makausap nang matino as in ako lang mag isa. Alam mo yung palabas na cartoons sa TV5 na Phineas and Ferb? yun ! ako si Ferb ! HAHAHAHAHAHA sobrang tahimik panay mag isa lang ako pero ayos lang naman masasanay din pero mas okay na din un. ;) siguro di kalaunan magkaka friends din :)) pero maayos pa naman ang lahat eh yakang yaka. 


Ang aga ko nagising siguro dala na din nung pag uwi ko kahapon ng mga 6pm eh diretso tulog na hanggang ngayong umaga mga 5 minutes before 6 nagising. Nakakapagod naman din kasi. Panay sketch lang dn nang kung anu-ano habang wala pang klase yun lang naman tanging libangan ko eh ;) 
Goodluck na lang din saken mamaya unang araw ko sa night shift ! at Ingaaaaaaaaaaaaat ! >:))


#pahabangbaliw;)) 08
당신을 누락

Saturday, 16 June 2012

Kakatuwa eh

Magandang hapon! ;)


Kakagising ko lang at kaka-online napasarap yung tulog ko tapos parang kanina lang sinabi ko na gagawin ko na yung pag rerewrite nang assignment ko sa comp.fundamentals sa isang bondpaper tapos napahiga lang saglet sa kama ayun diretso tulog eh :| terrible nga naman. pag gising ko alas-kwatro na agad akalain mo un linggo na bukas tapos monday na naman tapos pasukan na namaaaaaaaaaaaaaaaan pagudan ulit :)) 

Another masayang araw na naman, itatanong nyo kung bakit? HAHAHAHAHA ;) eh kasi siya eeeeeeeeh ! wala lang napacomment lang sya sa status ko .. ENUBEEEEH ! malandi putek! arti ko wahahhahaha basta ayun nakakatuwa lang tlga supeeeeeeeer to the highest intensity level ;) naks may ganun. abay kung araw araw ba naman ganun sinong di gaganahan mag-aral lalu ?! 

Nakakatuwang isipin lang din, paano kasi after nang ilang weeks na hindi nakapagusap at chikka ngaun biglang ganun kaya nakakatuwang nakakagulat ;) ♥ feeling ko inspired na naman ako nang 1000000000 times HAHAHAHAHAHAHA. 
There's this only one person who truly knows whether im sad or not. except of my mom ha! :) understood na un syempre unconditional love naman ang sa parents. pero alam mo yung tipong alam pa din nya kung anu ka ngaun at kung anu nararamdaman mo at dun ko nasasabing kilalang kilala pa din nya tlga ko behind those smiley emoticons ko sa posts ko at comments kahit sa chat sa iba kahit na makita man nya yun still she knows what is inside :\ di ko naman maitatago un talga sa kanya eh ;) 

IBANG KLASE KA TLGA ! IKAW NAAAAAAAA ! ;) handsdown dude! ♥


#pahabangbaliw;)) 08

Friday, 15 June 2012

Yung Feeling Na . . .

Yung feeling na kunwari okay lang ang lahat. 
Ngumiti sa kada araw na lilipas hindi lahat nang nakikita mong nakangiti at tumatawa ay talagang masya at kwela ang buhay actually ironic nga ang dating eh kasi kung sino pa yung mga taong nahihirapan at mas dehado sa buhay sila ung mga nalabas na comedian :) 

Pero bago ang lahat, kasisimula lang din nang pagpasok ko ulit ng college aun doing good naman kaso ngaung gabi habang nagawa nang assignment medyo napansin kong may problema ata kanang kamay ko kasi nanginginig nang wala sa oras na parang ngawit kahit n wala pa kong gingawa :\ 
At going back nga sa topic natin,

Lahat naman tayo may kanya-kanyang problema, lahat may kanya-kanya ding sakit nang ulo na dapat nating lutasin at lunasan din at di tinatakbuhan. Siguro one way of being strong lang din ung laughter sa gitna nang problema, sabi nga nila Laughter is the best medicine pero pag nasobrahan maaaring mental ang diretso! :) HAHAHA. Bakit nga ba napunta na naman sa ganitong topic? Ano ang nasa isip ko at naisulat ko tong ganitong uri nang lathalain? Siguro sabihin na lang natin na nasa isa akong problema, problemang kailangang mamili kung para sa mga mahal ko sa buhay o para sa akin. ayoko lang din kasing nakikitang nahihirapan sila nang dahil lang din sa akin :| mas nanaisin ko nang ako wag lang sila :| ewaaaaaaaaaan ko ba.

Sadyang may mga bagay lang din na kailangang maging praktikal sa lahat nang bagay at oras. Actually halos praktikal na nga ako eh :) wala na nga akong pakialam kung magkano ibibigay saken na pera bastat may pamasahe at hanggat maaari makakaipon sa malinis at sariling paraan. Ang hirap lang din kasi wala akong mabahagian nito kaya ko nailahad na lang dito sa blog. Mababasa man nang iba at least di naman ako kilala :) pamapabawas hirap lang din sa loob at para di masira ung motivation ko at ung goal ko na kailangang abutin. 

HAAAAAAAY :( 
sulat lang kay notebook or drawing kapag walang gngawa kahit saan :|


#pahabangbaliw;)) 08

Thursday, 14 June 2012

Sched nang Late Enrollee na Irreg :)


Ayan na yung schedule ko sa STI Dasmariñas :\ grabe may klase ako nang hapon hanggang gabi goodluck sakin sa byahe OMGee terrible pa naman yung daan pauwi HAHAHAHAHA pero kaya yan ! ahaaaaaay goodluck saken bukas ! bukas ndin ung simula ko ;) 

HAHA. ansaya lang :P bleeeeeh nag congrats sya saken kanina HAHAHAHA ansaya saya lang eh terrible pero super saya kasi natupad ung pinag pray ko at kung ano un sikritu ko na yun ! :D HAHAHAHAHA Goodluck lang talaga sakeeeeeeeeeeen kaya ko to ! 
may goal din ako na kelangan maabooooooot ! >:)

#pahabangbaliw;)) 08
FeelingKoInspiredAko . Wala lang ~ :))

Tuesday, 12 June 2012

Update

Good Morning!
Ngayon first day nang pangkalahatang pasukan nang mga estudyante lalu na mga colleges ! :)) Goodluck sa lahat lahat, hmm update lang ulit saken ayun! inaayus na at baka this week makaipon na pang enroll para makabalik college na let ako ansayaaaaaaaaa :)) gsto ko na din pumasok. 



Im happy happy happy ! :)) may naalala lang din ako, nasagi bigla sa isip ko un nung isang gabi at kgabi natawa na lang ako bigla nung maisip ko na may posibilidad na ganun nga pero secret ko na yun HAHAHAHA :)) bastaaaaaaaaa kailangan happy lang palagi saka this is the only way lang din na naisip ko para ma boost lalu ung moral ko para magpursigi pa ;) kaya ayun.

Sa ngayon chill chill na lang muna tayo lets see kung ano pang magandang mangyayari saken bukod sa chance na makakaenroll na ulit ako at makakapag aral :) eeeeeeeeeeeehh ! HAHAHAHAY !

#pahabangbaliw;)) 08


Monday, 11 June 2012

Agam-agam

Ala-una na nang madaling araw, 1:04am, June 12, 2012 bukas pasukan na nang lahat lahat :) hmm di pa din ako nakaka enroll pero another update lang di naman ibig sabihin n di p ko nakakaenroll di na ko makakatuloy alam ko naman kahit papaano tutuloy tuloy na ako medyo malalate nang pasok lang gawa nang kinulang sa pinansyal eh pero yakang yaka naman yan kahit next week na makapasok unang week pa lang naman eh tatlong araw ;) kaya pa humabol nyan introduction lang naman ang ggawin nyan.


Katatapos lang din tumingin tingin nang video nang mga KPOP na sayaw practice kami nang tropa kong c lorenz nang masasayaw ;) aun yakang-yaka naman kahit papaano ngayon soundtrip na lang at nakatungo habang nagttype sa PC. masayang masaya din kasi after ilang years kahit papaano napansin ako niya kahit na epic na epic ung picture ko na yun napa comment naman sya :P HAHAHAHA ansaya laaaaaaaaang baket ba ! wag nga kayo ! napapakanta na nga lang ako dito nang mga as usual korean love songs :)) 


Kamusta na kaya yung makulit na yun? Ano naman ginagawa nun? HAHAHAHAHAY nakasanayan ko na talaga ung mga kadalasang ginagawa namen dati ultimo ung pagkanta ko nadadalas na talaga lalu na ung mga paboritong nirerequest nyang knta kinakanta ko pa din :)) kahit ung ibang korean kinakanta ko na natatawa ako kasi kahet papaano nagugustuhan nya kahit di nya gets ung sinasabi ko ung iba nga murmuring na lang eh :) 


Di ko na naman alam kung hanggang anong oras ako aabutin dito sa PC nakatunganga lang. huwell hati hati naman na ako kapag nagoonline di na straight talaga :)) madalas na lang ako mag draw at magsulat nang kung anu ano na mapasok sa isip ko :)) ayun agam-agam lang sa ngayon na may kasamang reminisce :'> ♥


#pahabangbaliw;)) 08

Sunday, 10 June 2012

Daydream

There's this only one person na laging naiisip ko, di maiwasang maisip ewan ko ba kung bakit kahit na kinaaayawan na ko nun ngayon, sa kanya ko sana gsto ipaalam unang una ung kahit papaanong good news naman para saken kaso naisip ko parang di na makakapag abala un sa ganito. yung kaisa-isang tao na gustong gusto ko ichat kaso wala eh. useless na din kung sasabihin ko na miss na miss na miss ko na yun kahit ilang beses ko namang ipagsigawan wala namang mangyayari eh kahit mabura pa ung mga letra dto sa keyboard ko kakatype nang mga ganitong paglalahad walang mangyayari, i really wish na napapadaan sya dito minsan kahit na silip lang kahit na hindi basa para masabi ko lang na npansin nya ko pero mukhang malabo yung naiisip ko.


It's like nagising ako sa isang mala fairytale na panaginip tapos ngayon pinagsisisihan ko na nagising ako tapos sa kada araw na nagdadaan parang unti-unti pinaparealize na kelanman di nman mangyayari ung gsto ko na hanggang panaginip lang talaga :) panandalian lang kumbaga. 
Pero ansaya saya ko pa din kahit papaano natawa nga ko isang beses na nalaman ko na may chance pang maka enroll ngaun agad akong napaupo dito sa tapat nang PC agad agad kong bubuksan ung PC tapos biglang pumasok sa isip ko kung anung gagawin ko? :) HAHAHA nadala lang talaga ako nang emosyon ko sa nakasanayan ko nang gawin na pagbabalita sa kanya. parang ewan lang eh no? 


Matagal tagal na din na hindi nakapag online nang ganun ktagal wala na din namang ginagawa masyado kundi mag drawing tapos magblog tapos manuod nang korean MV. masaya din naman ako kasi sa tuwing nakikita ko na nakangiti sya sa picture nya ang gaan lang sa pakiramdam na she's smiling tapos alam mo ung kita ung totoong tuwa talaga kaya super happy na din ako. pero aaminin ko na din dito na cute lang din talaga ung new profile picture nya ngayon na kasama nya si bilog bear (teddy bear nya). :) 


Para saan ba ung mga ginagawa kong ganito? sa mga nakakabasa man nito tingin ko wala dn naman silang pakialam saka di din makaka relate. wala lang ang lakas lang nang impact saken nung babaeng makulit na yun ;) pero kahit ganun un ganun talga un makulit pero totoong tao ;) haaaaaaaaay . still inlove pa din ang gaan lang sa pakiramdam kahit na malungkot. 


#pahabangbaliw;)) 08

UPDATE

Good Morning !

Update lang ulit, hmm susubukan pa din na maka enroll ngayong week. at magandang balita naman kasi nasabi ko na ulit at ayun mukhang ayos ayos naman kelangan lang nang konting pandagdag pa para maka enroll na pero happy na kasi nagkapag asa ! kaya supeeeeeeeeeeeeer sayaaaaaaa ko talaga, kapag di umabot next week na lang daw yun sure na yun ! ;) OH YEAH muna ! tapos ngayong umaga lang natuwa lang talaga ako kasi may nakitaaaaaa akong picture CUTE :"> HAHAHAY

#pahabangbaliw;)) 08

Friday, 8 June 2012

Makakapasok ulit ako!

Magpapasukan na sa June 13, ayun di pa din ako nakakapag-enroll hmm gonna take this risk na din kahit na kakarampot na lang subukan ko ULIT kausapin si papa at MULI sasabihin ko na at tatapatin siya na gsto ko na nga makapagpatuloy, isa kasi to sa mga major problem na kailangan kong lampasan na din kahit na maliit lang yung chance subukan ko pa din kahit ilang beses pa kailangan ko na din talaga makapag aral maraming taon na ang nasayang.


Tama naman si mama eh, Kapag nasa pinaka deep na ako isang tao pa din talaga yung titingin saken at sasabihing kaya ko to at siya nga yun, tama sya sa mga sinasabi nya na kahit gaano kaliit ung chance dapat i risk na natin yun kung para naman din sa ikabubuti ko. haaaay sana makapag aral na ulit ako. :( 


Bukas na bukas kapag uwi na din ni papa susubukan ko nang lumapit ulit at sabihin ang lahat nang gsto ko sa buhay nang matapos na tong gumugulo saking isipan at nang masimulan na ulit yung isa sa mga stepping stones ko. Goodluck sakin. ! 


#pahabangbaliw;)) 08

Thursday, 7 June 2012

3rd Month po ;)











Ayan, kakaupload ko lang nang mga ginawa ko, pero di pa kasi sya tapos. tatapusin ko na lang siya mamaya ;) HAHAHAHA pasensya na din kung malabo ung kuha kasi sinadya ko talaga para hindi mabasa yung mga GOOEEY stuffs :D HAHAHAHA kaya pasensya na. pag natapos ko na yung iba dagdagan ko yung ibang post ko. 


Then, wish ko para sa araw na to, hmm good health para sa kanya and goodluck sa lahat lahat decisions at studies ;) wish her all the best.
Basta wag lang kalimutan na nandito lang ung kaibigang mahaba nya ;)
Sa susunod na lang ulit, at di din ako magtatagal makaka online kasi nga dito si kurdapyo, hmm umalis lang kasama si mama may inasikaso para sa bahay kaya naka online >:)

#pahabangbaliw;)) 08

Wednesday, 6 June 2012

LALALA

June 7, 2012, Thursday
Kinabukasan na din pala yun, At di pa din ako tapos sa ginagawa ko hahaha. huwell isang simpleng regalo lang naman para sa kanya :) na lagi ko namang ginagawa.

At maya-maya lang ay pa out na din, di na nakakatagal sa PC eh gawa nang 1week leave yung kurdapyo dito sa bahay kaya ganun. Nakarinig pa nang balita kagabi na tataas daw singil sa kuryente ngayong month kaya panay parinig saken kahit na di na ako nagamit masyado dito sa PC. haaaay buhay nga naman. pero tulad na din nang sabi ni mama intindihin na lang daw kesa kontrahin kasi di kaaya-aya ung reaksyon nyan kapag nag aamok masyadong mukhang ewan na baliw kung anu-ano lumalabas sa bibig. :) 


Ayun Bukas June 8,2012 bukas na din yung pang third month namin at 6months na friendship syempre may regalo ako di naman nawawala yun eh ;) di naman sa nagpapakahirap or still umaasa na wala sa lugar, pero bastaaaa lets just say na regalo ko na lang din tutal naman din sa palagay ko di naman sya napapagawi dito kaya ayos lang yun di nya makikita yung mga kakornihan stuffs. 


Tuwing gabi naman, sulat sulat lang din para maibsan kahit papaano yung mga bigat na dala-dala. kaya relief naman kahit papaano then ayun, padating na din yun si kurdapyo at sinundo lang yung kapatid kong bunso na si bebe pauwi na sila. 


Dito na lang muna, at maya-maya din tatapusin ko pa yung drawing at letter ;)

#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 5 June 2012

:)

Kagigising ko lang at medyo masakit ang katawan.
Kahapon galing kaming trinoma nang mga kaibigan ko at after 4 na pag dedelay sa wakas! nagkita na sila rhai at rhea :) at masaya naman ako para sa kanila medyo awkward lang din siguro para sa kanila kasi andun kaming mga kaibigan ni rhai at mga kaibigan ni rhea. 
Gumala saka kumain tapos ayun kanya-kanyang gawa na at trip, magkakaksama sa quantum yung mga kaibigan ni rhea tapos kami kami naman nila lorenz at hyeong ang magkakasama habang nakahiwalay sila rhai, un nga lang ayaw humiwalay ni rhea kasi may nakadikit nga na kasama pa nila na mukhang ewan XD.


Nakakapagod lang, enjoy naman kahit papaano at sumakit nang sobra ung paa kakabalik at kakalakad mula SM north to trinoma mga limang beses na balikan :| yung paa ko nga napapasabi nang "aray! nakooooo! kay sakit naman nang ginawa mo" :)
Nakakamiss lang din gumala nang ganun. Medyo awkward lang din sakin kasi andun ung ex ko nga -___- huwell. past is past tapos naman na at nagkaayos na at aun wala namang nangyaring kung ano kaya ayos na din ako halata lang ung pagkabitter niya :) 


Masayang-masaya naman ako para kay rhai, kasi kahit papaano natulungan ko syang ituloy ung lakad kahapon para magkita na nga sila at di na ma depress, paano dapat nung february pa un eh kaso mukhang malabo pa sana matuloy eh kaya yun inudyukan ko na at sinabihan na ituloy para di na sya malungkot o kung anu pa man saka magpapasukan na din baka di matuloy na naman nang matagal tagal at mausog pa. 


Masaya. HAHAHAHAHA onga masaya nga! ... pero ganoon man malungkot pa din :) madami lang bumabagabag sakin kada araw sobrang dami. magulo kasi eh! ay ay ay oh sadyang ako lang ang nagpapagulo ahhhhhhhhhh basta ganun na un, sakto pa umulan kahapon kaya lalu akong napapaisip. Ang putek kasi sa daanan sa may taft :\ HAHAHAHA.


Noong minsa'y nagkaroon nang isang laro.


#pahabangbaliw;)) 08

Monday, 4 June 2012

NAMIMISS KO NGA KASI SIYA ! >:'(

Alam ko naman

Isang mapagpalang gabi sa lahat !

Magbblog lang ulit at wala namang masyadong magawa :)
tahimik na nagttype gawa nang palihim na nag online lang, nagbabakasakali lang ulit eh baka mapa pm yun!



hindi ako mapalagay gawa nang sobrang tahimik pero di naman dahil doon talaga, sa totoo nga mas maayos to kasi feel ko kapag ganito super free ako saka mas madali mailabas ung mga gstong ilabas sa loob i mean feelings baga ! :) HAHA saka mas komportable lang talaga pag ganito un nga lang dahil 1week na leave si kurdapyo kaya medyo bantay sarado dto sa patakaran nya sa pamamahay nya. pero sanay naman na, sanayan nga lang. 


Alam mo yung feeling na hindi ka maintindihan nang tao pero halos lahat ginawa mo na para ipaintindi mo na yung buong gsto mo? HAHAHA anlabo no? hmm sige eto na lang, yung feeling na nag-iba na ang lahat at yung feeling na iiwanan ka na naman sa ere? oh ano? masakit na naman agad? HAHAHA wala pa nga eh, naisip ko na yan minsan talaga karamihan kasi sa atin yan ang iniinda eh di man masabi at maamin pero alam naman mismo natin sa sarili natin na dadating sa puntong mahirap na talaga. Lahat nang tao umaalis yan at hindi nagbabago bagkus mas maiging sabihin nating its just part of our growing up! oo kasama lang yan sa paglaki at syempre di sa lahat nang pagkakataon sa iyo papabor ung tadhana na sinasabi. 


Unfair? di naman kailanman nagiging unfair eh saka di naman talaga ako naniniwala dun, oo dumadating naman kasi talaga sa puntong pagka unfair pero come to think of it dba, na hindi naman nangyayari ang lahat nang bagay kung walang rason at sapat na rason na din? :) Kaya ganun!
At para naman sa mga babae, wag nyong isipin na pare-pareho ang mga lalaki, kasi sa totoo lang hindi naman sa pangalan pa lang naman madami ang magkakapareha pero still HINDI LAHAT PAREHO talga. Oo, aminado naman ako ! lalaki ako eh . oo mga tarantado kami, oo mga gago na laging nananakit nang babae pero eto lang lagi nyong iisipin. may mga lalaking handang mag alay lahat, oo cge GOOEY STUFFS ! oo dyan ako magaling, or kahit anong kakornihan cge sabihin nyo gsto nyong sabihin free will ko naman tong pagbblog eh. ang akin lang eh mailabas ko ung iba kong saloobin ;) may mga bagay lang din talaga na hindi natin masasabi hanggat di natin nagagawa. un ung paniniwala ko! 


Hindi ako iiyak! oo swear! real men cries! pero now hindi naman na, bakit? kasi alam ko naman sa sarili ko na kung hanggang saan lang ako, lahat nang tao may limitasyon.
Hindi naman siguro masama or bawal kung pag admire na lang ang nagagawa ko ngayon dba? ang umasa na isang araw mababalik ulit ung closeness ? oo mukhang tanga nga ! ako nahihirapan pero hindi nyo naman dapat iniisip un kasi alam ko kung hanggang saan lang dapat . ALAM KO ! ;) 


#pahabangbaliw;)) 08

Sunday, 3 June 2012

Em






Ayaaaaaaaaaaaaaaan ! kakaupload lang nang isa sa mga bagong drawing ko >:)
Hmm, siyaaaaa ? pangalan nya? may pangalan na kasi talaga siya eh .
pangalan nya ay "Em" ;) HAHAHAHAHA di pa tapos eh wala pang shading :) dami pa ko upload sa susunod ;)


#pahabangbaliw;)) 08

Friday, 1 June 2012

Next time

We learn to say goodbye but never let go. 
What's the difference between saying Goodbye and Let Go? 
Actually kung iisipin kasi siya its just the same thought pero di naman natin masasabing as in pareho sila nang meaning :) 
Goodbye, meaning of goodbye is farewell; a form of address used at parting kumbaga sa espanyol ADIOS na maituturing samantalang yung Let Go nating sinasabi that means not to care for, but to care about; Not to fix but to nurture. Dun pa lang siguro sa naibigay kong meaning nang dalawa eh mapagtatanto nyo na yung pagkakaiba nang dalawa diba?

The phrase "We learn to say goodbye but never let go" kadalasan nagaganap sa isang relation. mapag kaibigan, pamilya or kahit sa minamahal. Siguro ang main reason nang phrase na to is para ipahatid na madali para sa ating mga tao na sabihin ang Paalam or Goodbye kaysa sa let go pero pwede din namang vice versa nasa kanya kanyang pananaw yan. Kasi kung para sa akin lang ang phrase na yan maihahalintulad mo lang sa isa pang phrase na "STILL THE SAME"  bakit ? kasi ganito yan. 


"Still the same" sa literal na meaning talaga "ganun pa din","walang pinagbago" dba ? :) kahalintulad nya yung unang phrase na nasabi ko kasi kung titingnan natin sa way nang ibang tao kung paano ang nangyayari sa lifestyle nila mapa buhay pagibig man yun they always say na goodbye sa tao but still they never let go. oo di lahat siguro may mga bagay na naibabaon na nila at pinapakawalan na lang pero may mga bagay lang din na kahit anung baon mo at tago di mo pa din maitago. kung sa simpleng pagpupokpok nang pako gamit ang martilyo eh hindi mo maibaon ung ulo ng pako at maitago eh sa tunay na buhay pa kaya ? :)

Still the same in a way na oo magkalyo na sa isat isa wala nang communication pero yung nararamdaman andun pa din ;) Mga taong hindi pa din nakakapag move on in short :) ARAY ko naman ! sapul ako dun ah HAHAHAHA. 
 Pero maiba tayo! isang malaking misteryo pa din saken ung biglaang paglaki nang pageviews sa blog ko ah, parang kelan lang 7 pageviews ang pinakamataas, ngayon 20 pageviews na sino sino naman kaya ang nagtitiis bumasa nang blog na to :) huwell. its like they're wasting their time :)

Mabalik sa usapan ayun nga, sadyang may mga bagay lang din siguro na naiiwan sa ibang tao galing sa mga nang iwan kaya still andun pa din ung pageexpect. ayan! magawi tayo dyan sa PAGEEXPECT na yan, na isa ding mali nang tao. dapat kasi pagdating sa kaligayahan matuto tayong mag expect less :)) nang hindi tayo parang asong nakanganga at umaasa na bibigyan pa ulit tayo nang amo natin nang pagkain. Oo, aminado naman ako na ganito akong tao di ko tinatanggi yun. Wag na din tumanggi yung iba ;) 

Di ako nagsasabi nang goodbye sa isang tao nang ganun ganunan na lang as in babush talaga, instead sinasabi ko na lang na until next time ;) ang panget naman kasi kung sasabihin mong paalam pero kinalaunan eh nagkkita pa din naman kayo dba? DANG ! HAHAHAHA pero oo yun talaga ang mgandang sabihin kesa paalam. paalam na parang pupunta ka na six feet below the ground :) HAHAHA 

At ayun paulan na naman still nagddrawing lang din habang walang ginagawa ;)
 

#pahabangbaliw;)) 08 
Salamaaaaaaaat sa pageviews ;) 

Wednesday, 30 May 2012

Huweh

Nakaisip na nang next na maiddrawing :)
sa susunod upload ko dto try ko gawing malinaw na din HAHAHA malabo kasi yung webcam dto wala din namang camera dto na malinawlinaw na mgagamit kaya pagtiyagaan na lang, basta kapag natapos ko na upload ko na. Medyo mabuti-buti na din ang pakiramdam at matagal tagal ndin na ndi nakkasulat kay notebook ko dto sa bahay dala nang sakit ko HAHAHAHA ;) pero try ko makapagsulat mamaya din SHAAAAAAARE.



Ayun, blog lang ulit gawa nang mga bagay na napag agam-agaman ko, di naman din to ganun ka importante pero i share ko na din. May mga bagay sa mundo na hindi natin akalaing dadating sa atin, mapa bagay, pangyayari, hayop, lugar or kahit tao o kung anu pa man yan. Maaaring ito ay oportunidad or isang pasakit sa atin yan lang ang dalawang maaaring posibilidad na dala nang kung anu man ang darating sa atin. Nasa sa atin na lang kung paano natin dadalhin iyon.


Mga bagay na minsan nagkaroon nang tatak sa atin. Na kahit sa simpleng bagay lang ay masasabi nating totoo ito at walang halong kasinungalingan na kahit anung gawing pagsasalita pa nang iba or kahit nang nagbahagi pa sayo nun ay di mo pa din mababago kung anu ang napakita at naibahagi nya sa iyo.Mahirap ipaliwanag, oo marahil isa ako sa mga taong di ganon katalinuhan at mahina pagdating sa mga analyzing something something pero di naman kinakailangan nang pag aanalyze para ma explain mo yung nararamdaman mo dba ? its just sasabhin mo lang kung ano yung gsto mo at yung pinakapunto mo. Wala kang kailangang intindihin at ipaintindi sa iba, kasi ikaw yan eh, nararamdaman mo yan kung hindi man nila ma gets huwell,  problema na nila yun :)) 


Mga nararamdamang pilit itinatago at minsan gstong  itapon at ipagsa walang bahala na lang pero di din natin magawa kasi ganun talaga eh. Siguro napagisip isip nyo ngayon na isang aksaya lang sa oras ang pagbabasa nang ganitong klase nang artikulo. emo? hindi to pag eemo, ngayon kasi napagtanto ko na din na di mo naman talaga mapipigilan basta basta yung nararamdaman nang isang tao, di mo siya pwede diktahan sa kung anu ang dapat nyang gawin.

Pagbabago? kailan ba nangyari yan sa panahon ngayon? wala na nga atang nabago ngayon, ultimo tinapay sa panederya na itininda ngayon iniinit na lang para pang tinda bukas ayun instant HOT AGAIN MONAY na. walang permanente sa mundo maliban sa pagbabago maaari ngang tama iyan pero may mga bagay lang din na di na natin mabubura at mababago isuka man natin iyon o pandirihan. REGRETS ? huwell, sa tingin ko hindi rin, kasi wala din naman magagawa yang regrets na yan sa oras na pasukin mo ang sitwasyon na ganito o ganyan syempre alam ko na alam mo din ang maaaring kalabasan nang lahat ;) 

Nothing'sChange :) 
#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 29 May 2012

PERA

Magandang Hapon !

Heto masama pa din ang pakiramdam at natambak na yung mga dapat iddrawing ko saka ung mga sketches, hirap nang may karamdaman di makapagisip nang maayos at makadrawing. 

Nung nakaraan pa to, nung mag inquire ako galing STI dun nagsimula :\ Sipon, sakit nang ulo, matinding ubo, nilalamig, sakit nang katawan ilan lang yan sa nararanasan ko nung mga nakaraang araw 
Nakakainis lang. 


Napa-blog lang din gawa nang isang dahilan. Ang pera :| pera pera pera, buset na pera talagang minsan pera lang talaga ang nagmamatter. Kung naisusuka lang ang pera at naidudumi eh siguro naging mayaman na ako at nakapag aral nang tuloy tuloy. MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL kaya nga karamihan ngayon sa mga tao nagiging gahaman na dahil dyan sa perang yan kasi sabi nila kapag may pera ka mas makakaangat ka kapag nakakaangat ka may kontrol ka at kapag may kontrol ka natututo kang mang-mata nang tao. at yun yung ikinapagtataka ko kung bakit kelangan ihanay ang prinsipyo at paninindigan nang tao sa pera lang. talaga bang pera na lang ang dahilan kung bakit nagttrabaho ang mga tao?  :|


Tigil muna dito at masama na naman ang pakiramdam ko :((
 

#pahabangbaliw;)) 08 

Sunday, 27 May 2012

;)

Eto yung regalo nya sakin nung unang pagkikita :'> HAHAHA

Oo, yan nga mismo isang pocky strawberry flavored tapos isang faber castell na pambura . Oo simple lang siya at mura pero kahit na ganyan yang mga yan may sentimental value kasi saken yan, ayan nga oh naitago ko pa yung box nung pocky hahahah ;) yung pambura naman di pa ganoon kagamit pero pudpod na din konti :D 


Yan yung regalo na natanggap ko na isa din sa pinakafavorite ko kasi mahilig talaga din ako sa mga biscuits na strawberry flavored tapos niregaluhan pa ko nang pambura na makakatulong din sa araw araw kong ginagawa tulad ngayon, ang pagddrawing ;) kaya sa taong nagbigay nitooooooo THANKYOUUUUUUUUU ;)
huwell, wish ko lang na may pakialam pa yun sa mga ganito-ganito ko hahahah ;) 





#pahabangbaliw;)) 08

Saturday, 26 May 2012

ChuChuChuu

GOD's Morning !
Maya-maya eh magsisimba na din mga 8:30am larga na, Nagulat lang ako nung pagcheck ko dito sa blog ko dumami yung views from 4 page views nung isang araw naging 6 pageviews kahapon, may mga nag vview papala sa ganitong klase na korning blog :) hahahaha pero salamat na din sa mga viewers at mga tagapagbasa ;)
nakaka overwhelm lang din.
Nung pauwi pa kami kahapon dalawa na lang kami sa sasakyan nung valedictorian namin nung highschool tapos walang nagsasalita ang tahimik talaga, parehas lang kaming napapaisip tapos bigla ba namang tumugtog yung IT WILL RAIN ni Bruno Mars, takte nag emo na naman ako eh :) hahaha nakakamiss lang talaga kasi siya, may mga bagay na hindi na nangyayari tulad nang dati. nakakalungkot pag naaalala ko yung mga oras na malungkot ako tapos sa pag online ko lang dun lang let ako sumasaya kasi may isang babaeng matabaaaaaaaa na mabilooooooooog na maputlaaaaaa na kukulit talaga sakin at pipilitin akong pagsalitain nang problema tapos hindi talaga titigil yun makulit sobra, minsan pa nga eh hilig ako nun pagtripan tatawagin pangalan ko sabay wala lang. ano kaya yun -____- hahahahahaha ;)  miss na miss ko na talga yun


http://www.youtube.com/watch?v=BSxmPoe_fCM <-- copy nyo tapos paste ganda yang kantang yan or kapag di nyo macopy search nyo Summer Paradise- Simple Plan ;) hmm aun still mukhang gago ! hahaha jk lang bad words eto naghihintay lang preserve na preserve ang nararamdaman ni di nga mabawasan sa palagay ko nga nadadagdagan lang kapag namimiss ko pa siya mukhang tanga kung iisipin pero yun naman kasi ang totoo


Naiinis lang din talaga ako kasi di dapat nagddrama siya nang ganun gsto ko masaya pa din siya :( di ko na nga siya mapangiti or makausap eh. namimiss ko yung tawa nyang hinihingal effect pa with matching. eeeh! wag ka nga! basta ngayon miss na miss ko na siya, di ko alam kung ma fefeel nyo or kahit siya yung mga pinagsusulat ko sa blog na to, kasi sa totoo lang di naman ako mgaling pagdating sa pagkukumbinsi sa mga tao pag sa net lang as in gsto ko talaga na nakakausap yung talagang usap usap for real. kung mababasa nya man to, oo ikaw nga kung nababasa mo man to AYOKONG NAGIGING MALUNGKOT KA GUSTO KO LAGI KANG MAGPAKASAYA at kung kakamustahin mo man ako ayos lang naman ako eto yakang yaka naman bastaaaaaaaaaa ;) ako pa din yung pahaba mo oh yung pahabang madrama na iyaken ;) kaya smile ka na ha. miss na miss na miss na miss na miss na kitaaaaaaa at mahal na mahal na mahal kitaaaa :'(




#pahabangbaliw;)) 08

Pahintay po

Nakakapagoooooooood na umaga talaga -____- 
Lesheng COMELEC Registration yan ;) napakadaming tao tapos di pa maorganize nang maayos ung simpleng pagpila :\ pero ayun sa awa nang diyos ayos naman na at nakatapos din. Onga pala nakapagmessage ako sa kanya kaninang umaga kaso di ko lang alam kung napansin yun, ayun still namimiss ko pa din sya makausap soooooooooooobra as in ;). Ayun mabalik sa kwento aun nga nagsimula kaming pumili nang mga classmates ko nung HS nang 10:30am tapos natapos ako nang halos 1:40pm na. DAFUQ nga eh lahat pa ata nang klase nang tao nakita ko na dun. JEJEMON, SWAGGER, TRASHER, GANGSTER at kung anu-ano pa. 



Pero ngayon napablog lang din kasi aun nga gsto ko lang dn i share na oo totoo naman na People change, feelings change pero sa pagbabagong yun mukhang di naman kasi its not nagbago naman talaga di naman lahat nang sinasabihang nagbago is truly nagbago meron din namang naging iba kasi mas may mga importante pa syang dapat gawin saka pag sinabi mong nagbago kasi parang inahalintulad mo yung tao sa isang laruan sa isang bagay. Oo. kasi sila lang naman talaga yung nagbabago at napapalitan. ang nararamdaman nang tao kahit anong mangyari di naman talaga nawawala its just nababaon lang pero di ganun nalilimutan. ;)


Oo, siguro mahirap ma gets pero sadyang may mga natututo lang talga kasi ako di naman ako talaga sangayon sa taong nagbabago kasi kung may taong nagbabago eh di marami na ding nalilimutan ? maraming nagkakalimutan? pero basta! di naman kasi talaga ako sangayon sa term na  nagbago. :) 


Oo, ako bilang tao may mga karanasan na din ako na sobrang sakit din at halos gsto ko nang limutin pero dumadating lang dn talaga sa point na marerealize ko na ganun lang siguro talaga. Kasi sa totoo lang di naman dapat tinatakasan yung sakit eh. May nabasa nga ako na phrase nun sa isang libro sabi eh "FEEL THE PAIN" siguro ang selfish kung papakinggan mo pero kung itturn mo sya in a positive way thats the easiest way na din para mas maintndhan mo lahat. Naranasan ko yan nung nakapaghintay ako nang 1 year and 4months sa isang babae. Alam mo yung feeling na na immune ka na sa lahat lahat? Syempre pumasok k sa sitwasyon na yan kaya dapat alamin mo na ung consequences ;) di pdeng takbo lang nang takbo at tago nang tago Magmamahal ka nang totoo tapos masasaktan nang todo tapos may pa react react pang pakamatay ? kornibels lang ? Di ka pwedeng magpaka OA no! Just be yourself ! 


Kasi ako nakalakihan ko na din yung mga hintay hintay na ganyan, sisi? wala yun di uso yun ;) sinabi ba nilang maghintay ako? diba ako nagmungkahi? desisyon ko yun eh saka di yun promise yun na lang din kasi ung effective way para di madala nang pagka OA ko din ;) Oo, nakakamiss lahat Oo, lahat lahat lahat soooooobra. Bitter? hmm di ko alam kung masasama din ako dyan basta ang akin na lang is kung ano ang totoo ilalabas ko at kung ano ung nararamdaman ko ilalahad ko di pwedeng mamilit at lalung d pwedeng maging feelingerong OA , yung tama lang dapat ! 



ICanWait ;)) ♥

MissNaMissNaKitaSobra
#pahabangbaliw;)) 08

Friday, 25 May 2012

BITTERero

Ang bitter ko nga ;) HAHAHA actually dapat hindi ganito inaasal ko huwell natural lang na magselos magdrama pero hindi ganito eh hmm yung ngayon its like kaawa awang nilalang lang ako eh. Ang gagawin ko lang naman ngayon is maghintay tapos gawin yung mga dapat kong gawin saka act normal josh! ilalabas ko lang let yung josh na masiyahin at may paninindigan. Saka dapat di magreact nang OA ;)


Magddrawing tapos magddrama at ilulugar lang let paulit ulit na lang to di ko magawa nang tama at tuloy tuloy ;) at hanggat maaari dapat di natin minamadali ang pwedeng mangyari the more na minamadali the more na di magiging effective eh. 


Mas maiging maging dagat muna ako ;) dagat na kalmado lang na humahampas hampas lang sa dalampasigan kontrolado dapat ang lahat yung emosyon wag masyado ipangibabaw para hindi masyadong naaapektuhan at nagddrama nang sobra. Ngayon ko na sisimulan, kaya pala nasabi na parang si E--- kasi nga bitterero hahaha ;) 


Ilabas yung joshua na unang unang nakilala ni ella, yung joshua na masiyahin at laging nagpapangiti sa kanya kahit na simpleng bagay lang at yung joshua na may paninindigan at always positibo ;)

#pahabangbaliw;)) 08

Thursday, 24 May 2012

JELLYAAAAAAAAAAAAAAACE

Oo na inaamin ko na! NAGSESELOS ako ! Sobra ! tinitiis ko lang naman talaga eh, Naiinis ako, bakit? kasi sa dinami dami nang tao bakit yun pa! yun pa talaga ! nakakainissssssssssssss ! Alam mo yung feeling na ansarap manabunot sabay sapak? takte nanggigigil ako eh >:\ Ayos na kung mata-matahin ako nang iba eh at sabihan nang kung anu-ano pero yung nararamdaman ko ngayon di ko na malaman! Naiinis ako! sooooooobra pero still meron pa ding pumipigil saken na ilabas lahat XD ayoko lang kasi yung gantong feeling, yung feeling na apak na apak na lahat lahat saken. huwell natural lang naman na maramdman to eh sadyang di ko na lang din matago kaya diretso blog na ko >:( 


Pero alam mo kahit na ganto na yung nararamdaman ko na halos sasabog na sa inis, nagagawa ko pa ding gawing positibo kahit papano saka kasama sa plano to eh. Ang plano ko na lang muna sa ngayon eh yung mag stayfoot na lang muna tlaga at kumalma kahit sa mga gantong sitwasyon saka target nang plano ngayon is maging masaya muna sya then maging maayos na ;) pero kung tutuusin mukhang maayos naman sya at masaya sadyang ako lang tlga hahahah, wala eh seloso po ang stick na to >:) 


Anong pakiramdam? Tatanungin nyo ko kung kamusta ako? .. Masakit ! sobrang sakit pero im used to it na  pero tulad nang sabi nya kahit ilang beses ko pa i convert lahat sa positive kung negative tlga ang kalalabasan negative tlga ;) kamusta ako? eto ayos naman at medyo nakakarecover na sa sakit sinumpong kasi ko sa national sa sobrang lamig :D HAHAHA parang nasa north pole ako nun hahahah pero sa loob pag may nagtatanung nyan naiiyak na lang dn ako. 


Sadyang selos na selos na selos na selos na selos na selos na selos akooooo ! FVCKYOU ka Joshua Galamiton-Rocaberte, magalit ka ngaaaaaaaaaaa ! wahahahaha takteng reaction to eh :P hahahaha Yung feeling na parang sinasampal ka nang daang-beses sabay sa dami nang sampal di mo na maramdaman yung mga kasunod ;) 
KALMA JOSH . . KALMA ! 


#pahabangbaliw;)) 08

STAYFOOTEBOLATS

Nasagot na yung iba kong katanungan :) mas maigi nga yung ginagawa nya ngayon para maayos na ang lahat at magawa nya ang dapat nyang magawa at para na rin tulad nang sinabi ko hindi na siya maging malungkot saka she deserves to be happy din naman ayaw kong ma stuck sya sa pagluluksa nya tulad dati. Ngayon happy talaga ako kasi nagkaroon ako nang girlfriend na ganyan na nakakatayo na sa sarili at may paninindigan at ngayon masaya din ako kasi motivate na motivate na sya ngayon dba? ;) sa ganyang paraan masayang masaya tlaga ako para sa kanya pero andun pa din yung pagkalungkot ko at pagkamiss na di naman mawala wala. 


Nung mabasa ko yung naibigay nyang mini-letters natuwa naman din ako na kinilig ;) HAHAHA namiss ko lang na ganun sya maglambing tapos gamit pa nya yung tawagan namin na JEY at EM. At ngayon mas nakita ko na din na nahihirapan sya kapag pinapaibabaw nya yung emosyon nya kaya mas pinipili nyang maging matigas at neutral. Di man ako yung nakakausap nya ngayon kapag nahingi ng advices or kakwentuhan still andito pa din ako para makinig sa kanya reply agad pag nag message ;) ayoko lang din kasi yung masyadong nababahala yun kung anu-ano kasi ang naiisip eh. Kaya nga ngayon iniisip ko ndn na lahat nang to para din naman sa kanya at sakin eh at sa ikabubuti nang lahat, wala na din akong pakialam sa iba kung anu-ano pang masasama ang masabi nila saken di naman nila ako kilala eh ;)


Marahil totoo na lahat ay nagbabago, pero wala naman saken yun eh ;) di ako nagppromise na kaya kong maghintay kasi ang promises na yan kadalasan napapako lang yan walang maganda sa pagbibigay nang promise eh. kalat na kalat na yan sa society natin yung pangakong napapako. Basta ang akin ay akin ;) hahahaha anu ba yan.. hindi, basta gawin ko lahat nang makakaya ko. Lahat lahat ! di ba nga AHAS at KRIMINAL ;) sa ngayon! EM ! wag kang magalala stayfootebolats lang si JEY ! kapag may kailangan ka PM ka lang! kausap? oo dto lang ako. saka yung trauma wag na yun dont worry di ako ganung klase nang tao saka di lang naman kita basta basta girlfriend eh dba? tropa nga tayo dba? pamilya ? oh ! kaya iba tayo ;) 
Kaya sabi ko sayo maaasahan ni EM si JEY ! ;) kahit na anong mangyari, maputol man tong dalawang kamay ko o kahit mamatay pa ko . PINKYY SWEAR ! *katok katok. ;))

#pahabangbaliw;)) 08

Tuesday, 22 May 2012

Partida

May 23,2012, birthday ni ellapot tapos pinaghandaan pa yung video na naging epic lang nagkagulo-gulo pa bullshet tlga! pasensya na dn talaga at napakasama nang pakiramdam ko din ngayon sadyang hinabol ko lang din talaga un para panregalo sa kanya :( kaso nag fail naman ako ulitin ko nlng di muna matutulog.


masakit ung balikat, batok, binti at paa dagdag mo pa yung parang tonsilitis effect kainis to! anu ba to! parang ttrangkasuhin lang eh .. timing pa tlaga pero keringkeri naman nakakainis lang tlga at nagfail ung plano XD haaaaaaaay pero ganun tlga buti naisend ko na sa kanya yung isang part kaya yun ayos ayos naman na din ;)


HAPPY 17th BIRTHDAY ulit kay ellapot.
MICA ELLA LEE-RAMOS .. ILOVEYOUSOMUCH :* ;)

Saturday, 19 May 2012

Heto na naman ako, muntanga lang lumalabas na naman ang kdramahan sa katawan di ko na lang kasi talaga maitago. Ang aga nang online ko ngayon, di kasi ako naka online kahapon gawa nung libing nung friend ko tapos andto pa si kurdapyo sa bahay kaya natulog na lang, masakit din kasi yung katawan ko nun. Akala ko may post na naman sya or kahit simpleng message eh, kaso wala :) huwell, di pdin naman ako napanghihinaan dun may mga ibang araw pa naman para dun baka isa sa mga susunod na araw makapgmessage sya or post.


Alam mo yung feeling na there's a wall sa gitna nyong dalawa na pumipigil, kasi saken sige, sabihan nyo na akong madrama, iyaken or what! i dont care kasi that doesnt mean naman na mahina ako eh di nyo naman kasi alam yung buong ako eh. wala din akong pakialam kung sa makakabasa man nito eh tatawanan lang ako, kahit ipagkalat nyo pa sa buong mundo na korni ako, Go! saka freedom nyo naman yan basta ang akin lang eh kahit dito man lang kahit papaano maihayag ko yung nasa loob ko. 


You cant make your heart feel something that it wont. totoo naman eh, kahit anong tago ko naman, tawa o halakhak kung yung sa loob-looban ko eh malungkot, malungkot pa din ang kalalabasan kung susumahin mo. mapepeke mo yung mga ngiti na naipakikita mo pero yung nararamdaman mo hindi. siguro kung oo anong klaseng nilalang ka kaya nun? :)


Nakakamiss lang talaga na nakakalungkot sobra :)! Another thing, sa makakabasa man nito sa tingin nyo? ano talaga yung nararamdaman ko ngayon base dyan sa mga nasabi ko? siguro kung kilala nyo ako malamang sa oo mas madali nyong mahuhulaan yun. malapit-lapit na din naman yung birthday nya tapos ayun prepare lang din ako kahit simple lang alam ko namang maaappreciate nya to. kaso ngayon bihira na lang din kasi makapag pm saken yun di tulad nang dati na mangungulit talaga tapos ayaw nun na nagddrama ako kaya di na ako magpopost sa wall ko sa facebook na nagblog ako hayaan ko na lang. Sobra na kasi din yung pagkamiss at pagkalungkot pero kayang kaya pa din naman kasi kahet papaano sa simpleng pagblog tulad nito or pagsulat kay notebook medyo 1/4 napapawi naman na. 


Di makapagpost at like na kahet saan sa wall nya, alangan pa sa pagmemessage. takot na lang din talaga ako na maulit ulit ung nangyari kasi kung mauulit pa yun nako! siguro 10 times lang mararamdaman yung sakit. ayun ilang days na lang dn almost 1 month nang di masyado nakakapagusap. see! achievement yun ;) that means nakakaya kong maghintay un nga lang madrama lang ako hahahaha :) yang paghihintay naman kasi di mahalaga yan kung gaano kahaba man ang itatagal mo eh it is about what you really feel kung paano mo mai hahandle at mapanghahawakan yung nraramdaman mo sa daraan na araw. ayun! miss na miss na miss na miss na miss ko na yung bebe kong pabilog na circle na round na makulit na pasaway na pango na malapad ang noo na maputlang labi. :) 





#pahabangbaliw;))
FVCKthisKADRAMAHAN! 


Thursday, 17 May 2012

Totoo Ka Ba?

Appreciating all things, lalung lalo na yung mga pinaglalaanan pa nang effort kahit gaano pa yun kalaki or kaliit. Isa yan sa mga natutunan ko sa nanay ko, sabi kasi niya na kapag marunong kang mag appreciate nang isang bagay doon mo makikita kung ano ang tunay na kahalagahan sayo nang isang bagay o tao man.


Marami kasi ngayon sa tao na ultimo thankyou lang pinipeke pa. pinipeke in a way na oo they're saying thankyou pero alam mo yung thankyou na may halong pabulong pa na kung anu-ano. Yung word na THANKYOU din kasi it's the easiest way to say that you appreciate something. Pero ang tanong paano nga ba natin masasabi kung yung thankyou na yun eh totoo o hindi?


Actually hindi naman talaga literally masasabi kung paano malalaman na nagsasabi nang totoong thankyou ang isang tao or malalaman na he/she really appreciate things. Masasabi? hindi! pero mararamdaman? Oo! :). Sadyang may mga bagay lang na minsan words can't express it yung mga bagay na tipong nararamdaman mo sya at hindi sapat ang mga titik sa alpabeto para ipahayag mo ang totoo.


Kapag natuto tayong magpasalamat sa lahat nang bagay nang taos puso sa atin, at i appreciate ang mga bagay bagay na sa ating ay naibigay, huwell! isa na yan sa mga characteristics nang pagiging totoo hindi lang sa sarili ganun din sa ibang tao. ;)




#pahabangbaliw;))
ThankfulAkoSaKanya ♥
M.E.L.R :'>

Sunday, 13 May 2012

Lucky

Masaya ako! Masaya ako kasi may dumating sa buhay ko na katulad niya. Nakakahiyang aminin kasi sa totoo lang siya ung DREAM GIRL ko :) korni pakinggan pero totoo. Sa kanya ko nakita yung mga gsto kong makita di lang sa pagiging isang sincere na partner kundi pagiging totoo sa sarili at sa iba. 


Let's Reminisce,


Napakasayang isipin na may naghihintay sayo tuwing umaga tapos babatiin ka nang isang masigabong Good Morning with matching super duper smiling face emoticon yung ganito oh "=)))" yan! Yung nagtatanong sayo at nagpapaalala na kumain sa tamang oras at wag magpupuyat at lalung-lalo na wag maging pasaway. Yung ippm ka nang bglaan tapos magkkwento sayo nang kung anu-ano hanggang sa di mo mamamalayan na ganun na pala kayo ktagal magkausap. Yung makikipagasaran sayo tapos gagwan ka pa nya mismo nang pangalan na pang-asar sayo. Yung laging may taong handang ngitian ka kapag malungkot ka at icocomfort ka sa alam nyang paraan. 


Nakakamiss yung mga tawagan nyo sa isat-isa, yung tipong tatawagin ka tapos pag tinanong mo kung ano yun ang isasagot pabalik sayo eh wala lang sabay emoticon. yung bawat pagkakataon na kahit na sooooooooooooooobrang layo nyo sa isat-isa nakukuha nyo pang i-cuddle ang isat-isa. Kausap sa skype tapos kahit off cam sya ang tanging ngagawa mo nlng eh imagine na andyan lang sya pindutin ung ilong nya sa picture tapos isipin na andyan lang sya sayo. Yung bawat gabing kakantahan mo sya nang pang meme kahit na di kgandahan ang boses mo kasi request nya yun kasi daw tuwang tuwa sya sa boses mo. Yung walang sawa at ktapusang pag-bbye at iloveyouhan bago mag offline na akala mo di na magkkta tapos pahirapan pa magbaba nang call. 

Iilan lang yan sa mga namimiss ko na tlga. Syempre lalung lalo na yung tao behind those kulitan, cuddling moments, asaran, iyakan, tawanan lahat-lahat. Yung taong naging friend, best friend, super friend, mama, papa, ate, teacher, alaga(joke lang :>), kapitbahay kuno, asawa, at kung anu-ano pa yung tipong parang naglalaro lang kami araw-araw na sobrang saya mo kapag sya ang kasama mo, marinig mo lang boses nya ayos ka pa sa ayos. Napaka maswerte kong tao kasi nakilala ko na yung ganung tao :) 
SOBRANG SAYA ko! kasi na meet ko ang ganung klase nang tao sa buhay ko.Kaya kung kayo nakatagpo na kayo nang ganyang tipo nang tao huwag nyo na pakawalan ah. sila kasi yung mga tao na worth fighting for! yung di ka iiwan sa saya man o kalugmukan mo sa buhay. pahalagahan mo sila tulad nang pagpapahalaga natin sa sarili natin. kung maaari ka itrato mo silang higit pa sayo! Kasi ibinigay sa atin ang mga ganyang klase nang tao ng Diyos para pahalagahan at mahalin.




#pahabangbaliw;))
MISSYOUSOMUCH MICA ELLA LEE-RAMOS :'( ♥

Thursday, 26 April 2012

MissKoSiyaEh

Mas masasabi ko pa din na mas magaling, mautak at matigas talaga sya sakin. Bakit? Sa lahat nang nangyari ayan kaya pa din nyang palabasin na okay lang siya na ganito ganyan kahit na ramdam ko na di naman talaga. Oo, di ako si madam auring para makapanghula at sabihing tama ako sa nararamdaman kong to! Pero isa lang ang nai-aassure ko, na still sa lahat nang nangyari nagiging positibo pa din siya kasi nagaalala din sya saken at may mga bagay lang din talaga na dapat di na ipinapakita para di na maka apekto sa iba at sa sarili mo na rin. Biruin mo siya na yung sumalo nang consequences still sya pa din ung nag effort talaga at palakasin yung loob ko. Tama din ako kasi nalaban nga din talaga sya at ayaw nyang mawala kung anong meron kami.


Ibang klase talaga sya, Siya kasi yung tipo na di mo napapansin nai aadopt nya na yung mga bagay na nasa paligid nya kumbaga parang isang hangin, oo hangin! hangin na di mo mamamalayan na andyan lang pala sa tabi nakapalibot sayo at yumayapos sayo at pinapagaan ang pakiramdam mo. di mo man nakikita pero sa oras na dumampi sya sayo dun mo lang tlga mraramdaman yung presence at existence nto.


Natatawa nga ako na nalulungkot eh, kasi alam mo yung siya pa din yung nagjojoke na ganto ganyan tapos nagpapabilin pa din. Alam mo yung kahit na malungkot talaga sya inside na kahit man lang sa emoticons or HAHAHA nya sa chat man lang masabi nyang masaya naman sya at ayos lang para mapatawa pa din nya ako nalulungkot siguro in a positive way naman tong pagkalungkot ko, oo sobrang miss ko sya pero alam mo yung pagkalungkot na tinitiis nya tlaga lahat para sakin at sa amin kaya thankful pa din ako talaga kay Lord na dumating dn sya saken andami nyang naparealize saken at pinaintndi kahet almost spoon feeding na talaga. Kaya nya siguro nasabi na isipin ko na lang nagaaral sya, para syempre di ako masyado magalala at mabagabag sa mga nangyayari. Kaya nya ndn siguro nasabi na tropa bestfriends muna ngayon siguro ayaw nya ndn muna ako yung pag initan nang dad nya at ayaw nya dn talaga ako mawala. kaya napakasaya ko din kasi lumalaban nga sya. So bakit ako iiyak? (kahit na naiyak naman talaga ako gabi-gabi) ang weak ko nga eh. ang weak ko para sa isang lalaki pero nako! kung nababasa nya to batukan talaga ako nun ayaw kasi talaga ako nun na nakikitaang nagddrama at sinasabhang weak ang sarili. Di ko naman kasi maitatago yung feelings ko kung sya lang rin naman ang makakatapat ko. kabisado na ako nun. Pero syempre khit na ganun nga laban pa din ako, ngayon masusubukan yung sinasabi kong kaya kong makapaghintay etc. Saka ayun thankful lang din talaga ako sa kanya sa lahat-lahat. Maghihintay ako! Malapit lapit na din kami mag 2months ;) Ako ata si Josh. Yung SuperSuman, Empoy, Monkey, Donald Duck, Stick, Pahaba ni Ella :) Sabi nga din nya, na mas may itataas pa yung level ng relationship namin bastat matututong maghintay at di magmamadali pahalagahan ang bawat araw wag natin bilangin bagkus pahalagahan! di mahalaga yung bilang nasa pinagsamahan talaga at kahit na hindi man sya makakapagparamdam still positive pdin ako kasi alam ko naman na andyan lang sya at babalik din sya ;)


#pahabangbaliw;))